Advertisers

Advertisers

PNP: BARILAN SA SENADO AT PAGPUGA NI BATO MAGKAUGNAY

0 1

Advertisers

MAGKAUGNAY ang naganap na putukan ng baril sa loob ng Senado at pagpatakas kay Senador Ronald Dela Rosa, batay sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ito ang inihayag ni Major General Robert A. Morico, director ng CIDG, base sa kanilang isinagawang imbes-tigasyon.
“Let me just say you know two incidents, they are related but the investigation is already with the Department of Justice (DOJ) and I do not want to preempt ‘yung findings ng DOJ,” pahayag ni Morico.
Ayon kay Morico, bumabatay ang CIDG sa mga katotohanan at ebidensiyang kanilang nakokoleta sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
“Well, ang CIDG kasi we base our findings sa facts na nakokolekta namin. Evidence-based po tayo palagi so we treat different ‘yung cases kasi based on facts we treat it as different. We investigated the Senate shooting then separate rin ‘yung pag-escape,” paliwanag ni Morico.
Tumanggi si Morico na magbigay ng conclusion kung mayroon kaugnayan ang pagtakas ni Sen. Dela Rosa at ipinauubaya nalang ito sa DOJ matapos na maisumite ang kanilang imbestigasyon.
‘To make conclusions, we have already turned over the case sa Department of Justice. The CIDG is relegated to investigative support, whatever ang requirement need ng DOJ we will be acting on it and yung conclusions is I cannot reveal right now but ongoing pa po kasi ang investigation,” ani ni Morico.
Nauna rito, nirekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kaso laban kay suspended Office of the Sergeant at Arms retired Major Gen. Mao Aplasca at dalawa nitong tauhan kaugnay ng naganap na putukan sa loob ng gusali ng Senado noong May 13, 2026.
Ayon kay Morico, “very clear naman sa investigation natin na there was no attack sa Senate, wala pong intent. In fact, if there is really perceived na attack na ongoing you can ask the OSAA, bakit nila inabandon yung lugar after na magkaroon ng shooting?”.
Inirekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Rules of Engagement Section 255 ng IRR ng Republic Act No. 11917, Private Security Service Industry Act, kay Aplasca at dalawang tauhan niya na sina Charlie Montilla at Joemil L. Ledesman na nagpaputok ng kanilang mga baril base sa mga kuha ng CCTV ng Senado.
Samantala, sa pagtakas ni Dela Rosa, lumalabas sa im-bestigasyon na “highly coordinated at pre-planned logistic maneuver” ito upang ma-tiyak na makalabas ng Senado ang nasabing Senador.
Inirekomenda narin ng CIDG ang pagsasampa ng kasong “obstruction of justice” laban kay Sen. Robin Padilla, babaeng staff nito, at 4 iba pa.(Mark Obleada)