Advertisers
SA unang Status Conference ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), tinalakay ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang isa sa pangunahing mga lenggwaheng ginagamit sa Pilipinas.
Ayon sa prosecution panel, mahalagang mas maintindihan ng mga Pilipino ang buong proseso ng paglilitis, lalo’t masusing binabantayan ng publiko ang mga kaganapan sa kaso.
Kaugnay nito, pabor ang ICC na maglaan ng interpreter para sa mga testigo laban kay Duterte upang maisalin sa kanilang wika ang mga diskusyong nagaganap sa loob ng trial.
Pahayag naman ng kampo ni Duterte na hindi na nangangailangan ng interpreter ang kanilang kliyente.
Samantala, itinakda ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III sa Nov. 30, 2026 ang pagsisimula ng trial kay Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Susuriin pa rin ang resulta ng panibagong assessment ng tatlong accredited experts ng ICC hinggil sa kalusugan ng dating pangulo para sa ilang konsiderasyon.