Advertisers

Advertisers

DOJ tiniyak tuloy pa rin pagpapanagot ng mga sangkot sa missing sabungeros

0 5

Advertisers

SINIGURO ng Department of Justice (DOJ) na patuloy na umuusad pa rin ang kaso sa pagkawala ng mga sabungeros.

Sinabi mismo ni Justice Secretary Fredderick Vida, tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso at makaseseguro umanong hindi humihinto ang prosekusyon sa pagtupad ng mandato nito.

Layon aniya rito ng mga taga-usig na tuluyan panagutin ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero partikular ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang at iba pang mga sangkot o kapwa-akusado.



Binigyang diin ng kalihim na nakatuon ang atensyon at nakabatay ang pag-iimbestiga ng prosekusyon sa katotohanan.

Kasunod ang pahayag ng kalihim nang mapaulat ang sinasabing pagbibigay ng pera ng kampo ni Atong Ang sa pamilya ng mga biktima.



Subalit iginiit ni SOJ Vida na ang patungkol sa pamamahagi ng tulong ay hindi direktang makakaapekto sa kaso sapagkat nakabase umano ang imbestigasyon sa katotoohanan.

Ayon kay SOJ Vida, ang pinagbabatayan sa kaso ay ang matibay na ebidensya kaya’t hindi alintana kung magkaroon ng pag-atras ng testigo.



Ibinahagi ng kalihim na bukod sa testimonya, pinagbabasehan din ang tinatawag na object o real evidence.