Advertisers

Advertisers

Sen. Escudero sumagot na sa Ombudsman sa pagkadawit sa flood control kickback scheme

0 6

Advertisers

TUMUGON na si Senador Francis Escudero sa mga alegasyong nagdadawit sa kaniya sa flood control kickback scheme.

Ito ay sa pamamagitan ng kaniyang isinumiteng counter-affidavit sa Office of the Ombudsman.

Nauna na ngang inanunsiyo ng Office of the Ombudsman na naipasa na sa fact-finding stage ang plunder at graft complaints laban sa senador at isinasailalim na sa preliminary investigation.



Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nakadepende sa magiging findings ng imbestigasyon kung ibabasura ng Ombudsman o irerekomenda ang paghahain ng mga kaso sa Sandiganbayan.

Matatandaang nauna na ring naglabas ang Sandiganbayan Sixth Division ng precautionary hold departure order laban kay Escudero para pigilan siyang makaalis ng bansa habang gumugulong ang imbestigasyon.



Magugunitang isa si Escudero sa mga mambabatas na nakaladkad sa kontrobersiyal na flood control scandal matapos ibunyag ni dating DPWH USec. Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noon, na mayroong 20% commitment fee si Escudero mula sa P1.4 billion na halaga ng mga proyekto sa Valenzuela, Marinduque, Oriental Mindoro at Quezon City.

Sinabi rin ni Bernardo na naghatid siya ng P160 million kay Escudero at sinundan pa ng ikalawang delivery na nagkakahalaga ng P120 million noong 2025. Subalit, itinanggi ni Escudero ang mga alegasyon at iginiit na ito ay parte ng demolition job.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">