Advertisers

Advertisers

MGA GURO, BAWAL GUMASTOS SA BALIK- ESKWELA – DepEd

0 6

Advertisers

Mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) ngayong balik-eskwela ang “no collection policy” o gumastos ang mga guro mula sa sariling bulsa para sa mga silid-aralan.

Ayon sa kagawaran, ang kahandaan sa paaralan ay dapat sa available school fund, tulong ng mga institutional partners, at volunteerism sa komunidad.

Hindi umano dapat sa barakuhang kontribusyon o personal na kwarta ng mga guro.

Ayon kay DepEd-Secretary Sonny Angara, isinasaayos ng kagawaran ang mga mekanismo at pinansyal na suporta para protektahan ang mga guro sa gastusin sa halip buhos ang oras sa pagtuturok sa mga mag-aaral.

Babala ng DepEd, bawal maningil ng anumang boluntaryong kontribusyon o bayarin para sa pagbubukas ng klase o “Brigada-Eskwela” 2026-2027.

Kasabay nito, nagtalaga ang DepEd sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng 240,000 manggagawa sa ilalim ng TUPAD program.

Tulad ng paglilinis at lohistikal sa limang (5k) libong malaking public school sa bansa.

Layunin nito, ang kahandaan sa mga class room at magbibigay din ng tulong pangkabuhayan sa mga kwalipikadong magulang at kaanak ng mga mag-aaral. (Edwin Moreno)