Advertisers

Advertisers

Nadine Lustre kinondena ang animal cruelty, korapsyon at pang-aabuso sa kalikasan

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Naglabas ng matapang na pahayag ang aktres na si Nadine Lustre hinggil sa sunod-sunod na isyung panlipunan, kabilang ang umano’y hindi magandang pagtrato sa mga lokal sa Siargao, animal cruelty, pagkasira ng kalikasan, at mga kakulangan sa pamahalaan.

Sa kanyang Instagram Community page, ibinahagi ni Nadine ang mahabang saloobin tungkol sa nakikita niyang kawalan ng respeto sa social media at sa totoong buhay. Ayon sa aktres, nakaka-overwhelm na ang paulit-ulit na balita at video na nagpapakita ng hindi makataong pag-uugali ng ilang tao sa kapwa, hayop, at kalikasan.

Binigyang-diin niya ang sitwasyon sa Siargao, kung saan madalas siyang bumibisita mula noong pandemya. Ayon sa kanya, may ilang turista na hindi gumagalang sa mga lokal, na tila binabalewala ang komunidad at kultura ng isla. Aniya, nagiging problema ang entitlement at maling asal ng ilang bisita.

Tinukoy rin niya ang pamahalaan, na aniya ay may isyu sa korapsyon, kakulangan sa aksyon, at “pa-performative” na malasakit. Dagdag niya, nakakadismaya ang paulit-ulit na problema na hindi natutugunan.

Tinalakay din ni Nadine ang patuloy na pagkasira ng kalikasan, kabilang ang pagputol ng mga puno para sa development. Mariin din niyang kinondena ang animal cruelty at pananakit sa mga hayop.

Sa huli, nanawagan siya ng mas mataas na kamalayan, respeto, at personal na responsibilidad para sa tao, kalikasan, at hayop.