Advertisers

Advertisers

HEART UMIWAS SA SOLO INTERBYU

0 3

Advertisers

By Beth Gelena

May usap-usapan na umiiwas si Heart Evangelista na ma-inyerbyu ng solo pagkatapos ng mediacon ng programa nila ni Sean Lucas na isang game show.

Anila ng entertainment press, maigsi lamang daw kasi ang Q&A kaya ibig nilang makatsilahan pa ang Kapuso aktres.

Agad daw na umalis si Heart para bumalik sa dressing room kaya

hindi na siya nakapanayam nang paisa-isa ng mga miyembro ng media.

Dahil dito, may ilang entertainment reporters na nag-isip na baka umiiwas si Heart sa mga tanong tungkol sa mga kontrobersiya at intriga na nauugnay sa kanya at sa kanyang asawang si Chiz Escudero. Ayon naman sa production team, kailangan lamang daw talagang umalis ni Heart at maghahanda pa para sa isa pang shoot na nakatakda pagkatapos ng media launch.

Yun na!