Advertisers
HINDI na nagkaroon ng katahimikan ang Senado simula nang agawin ni Senador Alan Cayetano ang liderato mula kay Sen. Tito Sotto sa pamamagitan ng sorpresang boto mula sa isang senador (Ronald “Bato” Dela Rosa) na halos walong buwan absent, na pagkatapos bomoto ay nagtago uli sa batas.
Totoo nga na ang lakas na nakuha sa dahas ay malas! Ito ang nangyayari ngayon sa liderato ni Cayetano. Puros gulo. Taongbayan ang talo.
Kaya tama ang panawagan ng minority senators na dapat mag-resign nalang si Cayetano para maibalik sa ayos ang pamunuan ng Senado, at maibalik ang respeto ng mamamayan sa institusyong ito. Mismo!
Pero kilala natin si Cayetano na ubod ng kapal ng mukha at sobrang tuso.
Tandang tanda ko pa noong kongresista si Cayetano, naging House Speaker siya, term sharing sila ni Cong. Lord Velasco. Siya ang unang umupo, pero nang patapos na ang term niya, tinangka niyang manatili, winakwak si Velasco. Pero ‘di siya umobra kay Lord na gutom din sa kapangyarihan. Hehehe…
Palitan n’yo na nga yang si Alan. Magulong SP yan. ‘Di s’ya senador ng Pilipinas, senador lamang siya ng Duterte.
***
Hirit ni Senador Jinggiy Estrada sa korte: Payagan siyang ‘wag magsuot ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) uniform na nakaposas sa hearing sa kanyang graft case sa Sandiganbayan.
May hiya rin pala ang grandslam “plunderer”. Hehehe…
Pero ‘di dapat payagan ng korte ang hirit ni Jinggoy. Kung ano ang trato sa ibang preso, dapat ganun din kay Jinggoy. Ang batas ay ginawang pantay para sa lahat. No one is above the law. Mismo!
***
Hindi tayo naniniwalang tina-target ng administrasyong Marcos ang mga miebro ng Senate majority matapos ang mga kasong graft at plunder na isinampa laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng flood control kickbacks.
Oo! Hindi na kasi bagong isyu ang mga alegasyong ito. Matagal na itong nagsimula eh, bago paman naging bahagi ng majority bloc ang ilang senador. Last year pa ang isyung ito.
Kung may sapat na ebidensiya ng katiwalian, kung may patunay ng pandarambong sa pondo ng bayan, dapat itong sampahan ng kaso anuman ang kinabibilangang grupo sa Senado.
Hindi naman ang Senado ang maghhusga rito eh, ang korte.
Sa korte, ang labanan ay ebidensiya. Kung wala kang ebidensiya, tahi-tahi lang ang kaso, tiyak mababasura ito. Mismo!
Hindi lang naman kasi Ombudsman ang naghuhusaga rito, aakyat pa ito sa Sandiganbayan, tapos nandiyan ang Court of Appeals at ang pang-pinale ang Korte Suprema. Kaya kung walang malinaw na ebidensiya, absuelto ang akusado. Yun nga lang bumibilang ng maraming taon bago malinawan ang lahat.
Patay na ang tao, ‘di pa tapos ang kaso. Ewan!