Advertisers

Advertisers

ANG BAGONG ANYO NG RADYO: SERBISYO, MUSIKA, AT PANIBAGONG DIREKSYON NG DWIZ 882 AM SA ILALIM NI SM JOEL GOROSPE

0 12

Advertisers

SA panahong mabilis magbago ang panlasa ng mga tagapakinig, isang matapang na hakbang at bagong direksiyon ang tinatahak ngayon ng DWIZ 882 AM sa ilalim ng pamumuno ng bagong station manager na si Mr. Joel Gorospe.

Hindi biro ang pagbubukas ng bagong landas para sa isang himpilan na kilala sa matapang na balita at komentaryo.

Ngunit sa halip na talikuran ang tradisyon, pinili ni Mr. Gorospe na pagyamanin ito na dito’y isinasama ang musika, aliw, at mas malawak na nilalaman.

Sa kanyang pananaw, hindi dapat puro bigat ng balita ang araw-araw na napakikinggan ng publiko.

Kaya naman, ang bagong DWIZ ay may halong impormasyon at pahinga ng isip sa pamamagitan ng musikang akma sa lahat ng henerasyon.

Mula kabataan hanggang sa mga nakatatanda, layunin nitong maging tahanan ng bawat uri ng tagapakinig.

Sa gitna ng pagbabagong ito, nananatiling matatag ang pundasyon ng istasyon—balita, serbisyo publiko, at katotohanan.

Dito makikita ang kahusayan ni Mr. Gorospe bilang tagapamuno: marunong makinig sa panahon, ngunit hindi tatalikod sa misyon.

Ang pagyakap sa digital platforms at free-TV ay patunay din ng pag-unawa sa bagong henerasyon ng media.

Hindi lamang ito pagpapalawak ng sakop na audience, kundi pagpapalapit sa tao saan man sila naroroon.

Aba’y masasabing ang “bagong tunog” ng DWIZ ay hindi lamang pagbabago ng programa kundi pag-renew ng tiwala sa radyo bilang kaagapay ng bayan.

Malinaw ang direksyon ni Mr. Joel Gorospe—serbisyo na may puso, balitang may saysay, at himpilang buhay sa loob ng 24 oras.

At sa pagbabagong ito ng DWIZ, hindi lang tunog ang iniaangat kundi ang layunin—ang maging kasama ang “Himpilang May Todong Lakas” sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino, sa gitna ng balita, musika, at serbisyong tunay na may saysay.

This calls for a celebration. Kaya nag-aaya tuloy ng outing si SBMA Director Bert Mozo at magpapakape rin daw siya sa Subic. Tara, SM Joel. Congrats po!
*
Catch Gilbert Perdez on “HIMIG AT BALITA” over DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23 every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM, followed by “DWIZ TODO BALITA” from 5:00 AM to 6:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and concerns, you may contact him via email at gil.playwright@gmail.com or at 0991-354-3676.