Advertisers
Sa bilang na 12 ang dating minority bloc ang wagi para agawing muli ang majority bloc sa Senado. Sina Senador Vicente Sotto at Panfilo Lacson, dalawa sa pangunahing miyembro ng Majority bloc nuon nang si Sotto ang Senate President. Nang ito ay maagaw ni Alan Peter Cayetano na nuo’y lider ng Minority bloc dahil napasipot ni Cayetano ang nagtatagong si Bato dela Rosa para makaboto nasungkit nila tagumpay at naging Majority bloc nang panandali.
Ngunit laking gulo sa Senado ang pagkakaagaw ni Cayetano sa trono ni Sotto. Ngayo’y nahahabla siya, si Padilla at ang dating retiradong PNP heneral na si Mao Aplasca sa salang pagkakanlong at pagdaka’y pagpapatakas kay BATO dela Rosa na may Warrant of Arrest mula sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands sa Europa.
Sa sandaling panahon “Cayetano reigned supreme as Senate President but in a sudden turn of fate Sotto regained the helm with the unprecedented addition of Senator Chiz Escudero to the 11-man Minority bloc making their number to 12. This constituted a qourum from a present 22 member Senate… (out of the original 24-member Senate — BATO dela Rosa and just recently arrested for plunder Jinggoy Estrada were not counted as both were not present due to their alleged criminal cases as reason for their not being counted.)
Ang ginawa ni Cayetano kay Sotto ay ginawa rin ng panahon sa kanya o karma na matatawag kay Cayetano… sa pagkakataong ito, apat na araw pa lang ang lumilipas si Chiz Escudero naman ang sumipot at umanib sa panig ni Sotto na nagbigay ng bilang na 12 — na siyang dahilan para sila na ang maging Majority bloc muli. Nuon nga naman, ginawa ni Cayetano na pasiputin si Bato dela Rosa para gapiin sa bilang — ang presidensya ng Senado. Ngunit sa gitna ng mga pangyayaring ito inaresto si Jinggoy Estrada sa salang plunder o pandarambong…at siya’y hindi pinayagang mag-piyansa dahil “unbailable” ayon sa Sandiganbayan.
Hindi pa ito ang “climax” ng Senateflix II …. sa kabila ng deklarasyon kasabay sa kanyang pagiging numbrado ng 12-man quorum bilang Senate President, si Senador Sherwin Gachalian ay nagpahayag ng bukas-palad na paghimok sa Cayetano bloc na makiisa na lang at sabay nila na balikatin ang mga nabinbing agenda sa Senado…ang kompirmasyon ng 5 heneral sa armed forces, ang pagpapasa sa Anti-Political Dynasty Law at ang naturalization ng mga Atletang may dugong Pinoy na ibig tumulong sa pagpapalakas ng koponan ng Pilipinas sa sports world. At ang pinakamaselan sa lahat ang pagseseguro na diringgin ang impeachment trial ni Sara Duterte.
Hindi magkamayaw si Cayetano na abalang-abala sa pagre-record ng kanyang mga ibig ipahatid sa mga miyembro ng Senado gamit ang Facebook —isang bagay na ikinayamot ng marami sa ngayo’y Majority bloc dahil one-way communication nga naman ang estilo ng ito — na kung ibig ng iba na mag-interpelate e hindi mangyayari dahil ang presensya ni Cayetano ang kinakailangan — na hindi naganap at sila’y bigo. Sabi ng marami ang sukdulang kabastusan na inasal ni Cayetano ay lalong nagbulid sa kahihiyan at pagbabalahura sa dignidad ng Senado na sagrado sa isip at damdamin ng isang demokratikong Pilipinas. Ang mga litanya niyang laging bukang-bibig ay “serbisyo sa mamamayan” ay pawang pabala’t bunga ayon sa isang kasamang dating nasa broadcast media na ngayo’y base sa Virginia sa Estados Unidos.
Ang hamon ni Cayetano sa Malacanang ngayong tinitipa ko ang pitak na ito ay magbigay ng isang Senador (siguro para maging 13) na umanib sa ngayo’y Majority bloc — ay siya ay bababa! Mga Koyang na masugid na sumusubaybay sa kaganapan ito sa ating Senado, kayo na ang humusga! May umabuso ba o nagmalabis sa kapangyarihang mamamayang Pilipino ang may gawad?