Advertisers

Advertisers

ARA MINA HINDI TATALIKURAN ANG PAG-ARTE

0 7

Advertisers

By Dominic Rea

Isa si Ara Mina sa mga hinahangaang actress sa showbizlandia. Isang aktres na nagsimulang pasukin ang pag-arte sa pelikula at telebisyon noong dekada 90 na magpahanggang sa ngayon ay making waves pa rin sa showbizlandia. Wala ng dapat patunayan pa si Ara sa kanyang craft bilang isang aktres dahil kotang-kota na siya sa achievements. Sa kasalukuyan ay besing-besi siya sa pagti-taping sa iba’t ibang shows ganoon din ang pagiging abala niya sa kanyang mga negosyo at negosyo nilang mag-asawa na si Dave Almarinez. Minsan na kasing nasabi sa amin noon ni Ara na hangga’t hindi pa siya napapagod ay hinding-hindi nito iiwan ang showbiz kung saan naman sinang-ayonan ito ng kanyang asawang si Dave na kung saan siya masaya sa ginagawa niya ay nakasuporta lang ito sa kanya at doon din daw masaya si Dave ang makitang masaya ang kanyang Misis. Getting stronger ang marriage ng dalawa at super tutok sila sa kanilang pamilya at pagnenegosyo.

INCOGNITO CAST NASA DUMAGUETE NA



Nasa Dumaguete na pala ang buong cast ng inaabangang Incognito Book 2 para kunan ang mga eksenang mapapanood natin soon sa mukha ng telebisyon. Siyempre, since nasa cast sina Daniel at Kaila, sabi pa ng tsimosang bubwit, aba, parang KathNiel lang daw ngayon ang KaiNiel. Tipong magkasama always na kinaiinggitan ng mga walang magawa sa life kundi mang-intriga lang. Just like this pang-iintrigang bakit daw kasama sa book 2 ng Incognito si Kaila na Mariz palang daw ay sapat na! Aba, napanood niyo ba ang book 1? Kung napanood niyo ay nandoon ang sagot kung bakit kailangang nasa book 2 si Kaila noh! Deserve naman siguro ni Kaila ang mapasama sa book 2 ng Incognito dahil sa totoo lang ay nagpakitang-gilas naman ang aktres sa book 1 nito na nagustuhan ng mga netizens noh! Hindi lang yan, pakahusay niyang umarte huh! Kaya tantanan niyo na ang pang-iintriga kay Kaila noh!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">