Advertisers

Advertisers

Kai at Alexa pinagkukumpara

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Pinag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay ang naging performance nina Alexa Ilacad at Kai Montinola sa isang variety show.

Nagbigay tribute kasi sila sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kung saan inawit nila ang ilan sa pinasikat na kanta ng nasabing OPM icon.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang kanilang naging pagtatanghal sa naturang segment.

Katunayan may kibitzers na pinagsasabong ang dalawa.

Ito ang ilan sa kanilang hirit.

“Ang galing nina Kai at Alexa.”
“Mas magaling si Alexa. Sa Your Face napatunayan niya na she’s a total performance.”
“Ganda ng face card ni Kai pero parang kinapos siya doon sa kanta ni Regine.”
“New gen divas ba sila? Parang hilaw at wala pa naman sila sa ganoong level.”
“Wala pa ring tatalo sa isang Regine Velasquez.Wala siyang kapantay.”
“More practice pa para sa new gen divas.”
“Ayan po style ng Asap pakabugan hahaha”
“Basta ako Team Alexa pa rin ako.She’s a versatile actress and singer.”
“Pag face card at talent, taob sila kay Kai.”
“Pareho silang maganda at talented.Hope to see more of their performances.”