Advertisers

Advertisers

P3 BILYON INILAAN NG DTI PAMUHUNAN NG MGA NAMAMASADA

0 7

Advertisers

Buong suporta ang iginawad ng iba’t ibang TRANSPORT GROUPS sa programang inilunsad ng DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) na naglaan ng P3 bilyon pondo para maging puhunan sa mga PUBLIC TRANSPORT DRIVERS AND OPERATORS na magnanais na electric vehicle ang kanilang ipamamasada bilang pamalit sa de-gasolinang mga sasakyan.

Sa isinagawang press conference ay inihayag ni DTI SECRETARY CRISTINA ROQUE na mahigit 30 TRANSPORT GROUP na pinangungunahan ni PASANG MASDA NATIONAL PRESIDENT ROBERTO “KA OBET” MARTIN ay buong lugod na tinanggap ang alok na SMALL BUSINESS CORP E-TRANSPORT LOAN PROGRAM para sa mga SMALL OPERATOR at DRIVERS na magnanais palitan ang mga de-gasolinang mga sasakyan at ang gagamiting pamasada ay mga electric vehicle.

Ayon kay SEC. ROQUE, ang mga operator na magnanais mag-loan ng electric jeepney, e-bus, e-love bus, e-tricycle o e-motorcycle ay bibigyan ng isang taon na hindi muna magbabayad ang mga ito sa halaga ng sasakyang kanilang kukuhain.

Bilang katulungan ay ninanais ni SEC. ROQUE na mabigyan ang mga operator ng enough time para makarecover ang mga magsisikuha o maglo-loan ng mga sasakyan.., na ang annual interest rate ay 6.7%. at ang loan ay payable hanggang 5-taon.

“You get a lot of savings in using e-vehicles by 33% up to as high as 80%. What does this tell you? A better life, a better education… you can now travel around the Philippines and help other industries indirectly. Aside from this, you can help protect the environment,” pahayag ni SEC. ROQUE kasunod ang pagtitiyak na mayroong mga CHARGING STATIONS para sa mga PUBLIC TRANSPORT E-VEHICLES.

Inihayag naman ni LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY (LTFRB) CHIEF VIGOR MENDOZA na nakikipagkoordinasyon ito sa DEPARTMENT OF TRANSPORTATION para magbukas umano ng mga ruta para sa mga E-VEHICLE users.

Inihayag naman ni PASANG MASDA NATIONAL PRESIDENT MARTIN na ang kanilang grupo ay napagkalooban ng DTI na makapag-loan ng 40 vehicles na ang halaga ng bawat sasakyan ay P3 milyon.

Aniya ay napapanahon umano ang evehicles dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina ay malaking katipiran umano ngayon sa mga driver ang paggamit ng nasabing de-kuryenteng pamasadang mga sasakyan.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.