CHECKMATE SA TAGUMPAY!: ATHENA HERMIÑA JAXX CASAS, NAG-UWI NG SILVER AT BRONZE SA PALARONG PAMBANSA 2026
Advertisers
Isa na namang karangalan ang iniuwi ng National Capital Region (NCR) matapos masungkit ni Athena Hermiña Jaxx Atinado Casas ng Manuel L. Quezon Elementary School (MLQES ) ang Bronze Medal sa Standard Chess Individual at Silver Medal sa Standard Chess Team ng Elementary Girls Division ng 2026 Palarong Pambansa na ginaganap sa Bayugan City, Agusan Del Sur nitong May 25-29, 2026.
Sa gitna ng matinding kompetisyon na nilahukan ng pinakamahuhusay na batang manlalaro ng Chess mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, ipinamalas ni Athena ang kanyang talino, disiplina, at husay sa bawat laban. Ang kanyang matagumpay na pag-eensayo ay nagbunga ng isang mahalagang medalya na nagsisilbing patunay ng kanyang dedikasyon sa larangan ng Chess.
Malaki rin ang naging papel ng kanyang coach na si Anna Loise Caber, na naging katuwang niya sa paghahanda at paghasa ng kanyang kakayahan. Sa pamamagitan ng kanilang matibay na pagtutulungan at walang sawang pagsasanay, nagawa nilang maabot ang isa pang makabuluhang tagumpay para sa NCR.
Ang pagkapanalo ni Athena ay hindi lamang personal na tagumpay kundi inspirasyon din sa kapwa niya kabataang atleta na patuloy na nangangarap at nagsisikap na maabot ang kanilang mga layunin. Patunay ito na sa pamamagitan ng tiyaga, determinasyon, at tamang pag-gabay, posible ang pag-abot sa tagumpay sa anumang larangan.
Muling binabati si Athena Hermiña Jaxx Atinado Casas at ang kanyang coaching team sa kanilang natamong karangalan. Tunay na ipinagmamalaki kayo ng NCR at ng buong sambayanang Pilipino.
Mabuhay ka, Athena Hermiña Jaxx Atinado Casas ng Maynila!