Advertisers

Advertisers

MRT-3 may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

0 9

Advertisers

MAGBIBIGAY ang pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa limitadong oras sa mismong Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation-MRT-3, maaaring ma-avail ng mga mananakay ang libreng sakay sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3.

Ang mga oras na maaaring ma-avail ang libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.



Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang naturang inisyatiba ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang at pagmamalaki sa kalayaan ng ating bansa.

Ang Hunyo 12 ay idineklara ng Malacañang bilang isang regular holiday sa buong bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">