Advertisers
BINAWI ng pamahalaan ng Estados Unidos ang diplomatic at tourist visas ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez.
Ito’y sa gitna ng kanyang umano’y kaugnayan sa bilyon-bilyong-pisong flood control scandal.
Kinumpirma ng isang hindi nagpakilalang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagkansela ng A1 diplomatic visa at B1 at B2 non-immigrant visa ni Romualdez.
Sinabi pa ng naturang opisyal, walang partikular na dahilan ang pamahalaan ng Amerika sa pagbawi nito ng mga U.S. visa ng naturang mambabatas.