Advertisers

Advertisers

EX-LT. COL. DUMLAO, INILIPAT NA SA NEW BILIBID PRISON

0 51

Advertisers

INILIPAT na si dating Police Lt. Col. Rafael Dumlao III mula sa custodial facility ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City patungong New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City pasado alas-8:15 ng umaga ngayong Miyerkules, Hunyo 10.

Si Dumlao ay sinintensiyahan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagdukot at pagpatay kay South Korean businessman Jee Ick Joo noong Oktubre 2016.

Siya ay naaresto ng mga tauhan CIDG-National Capital Region (NCR) sa kanyang hideout sa Pasong Tamo St., Quezon City nitong Hunyo 9.

Pagdating niya sa NBP, si Dumlao ay unang inilagay sa isang regular na Quarantine Cell sa Reception and Diagnostic Center (RDC) nang hindi bababa sa limang araw.

Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang mga komprehensibong pamamaraan at ang mga protokol na ito ay idinisenyo upang pangalagaan ang kalusugan at seguridad ng mga PDL.

Paliwanag ni Catapang, naglalayong subaybayan ang anumang nakakahawang kondisyon at pahintulutan ang masusing medikal at psychiatric examinations ang dating opisyal.

Pagkatapos makumpleto ang panahon ng quarantine, sinabi ni Catapang na ililipat si Dumlao sa isang itinalagang regular na selda na itinalaga ng Overseer. Pagkatapos ay sisimulan ng Bureau ang isang nakabalangkas at disiplinadong kapaligiran sa pamamagitan ng mandatory orientation, diagnostic assessments, at mga pamamaraan ng klasipikasyon na tatagal ng limampu’t limang araw. Ang komprehensibong prosesong ito ay idinisenyo upang epektibong maisama si Dumlao sa corrections community.

Sa panahon ng Mandatory Orientation, ipapaalam kay Dumlao ang tungkol sa mga patakaran at regulasyon ng pasilidad, ang kanyang mga karapatan at pribilehiyo, diagnostic procedures, rehabilitation programs, health services, allotted time allowances, at ang makinarya ng mga reklamo ng mga bilanggo.

Nilalayon ng Bureau of Corrections na mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kapakanan ng lahat ng bilanggo na nasa ilalim ng pangangalaga nito. (JOJO SADIWA)