Advertisers

Advertisers

GIBO IS EVERYWHERE

0 5

Advertisers

MATIKAS na masipag itong ating Defense Secretary na sibGilberto “Gibo” Teodoro Jr.. Bakit ko nasabi? Wala kasing kapaguran ang mama. Bukod sa mga international conferences na kanyang dinadaluhan, upang ihayag ang pambansang posisyon at kahandaan ng Sangdatahang Lakas sa ano mang kaganapan, ay nakukuha pa nitong makisalamuha sa ating mga sundalo ng nasa gitna ng pakikidigma.

Hindi lang yan, nagagawa pa ni Gibo na makiramay sa pamilyang naulila ng sundalong napapaslang sa pakikipaglaban sa mga rebelde.

Ika nga, Gibo is everywhere.

Tulad na lamang ng kanyang pagpapakita ng kanyang malasakit kay Private First Class Johnrey Brasil. Isang 29 anyos na sundalo, na napatay sa enkwentro sa mga nakalabit pang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Escalante City, Negros Occidental noong June 1.

Tinungo ni Secretary Teodoro ang tahanan nila Brasil kung saan nakiramay siya sa asawa ng sundalo na mahigit isang taon pa lamang nagsasama at agad na nabiyuda.

“Kaya sya nag-sundalo dahil sa Iloilo naranasan niya yung buhay na maraming NPA. Naging inspirasyon sa kanya ang mga sundalo at sinunod niya yung buhay na iyon” ang paglalarawan ng kalihim sa yumaong kawal.

Kasunod ni Gibo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pakikiramay na naghayag na ang sakripisyong ipinakita ni Brasil ay ang tunay na hangarin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan ang mga Filipino sa ano mang karahasan.

Sa ipinakitang pagmamalasakit ni Gibo, paglalarawan din ito, na ang kalihim ng DND, ay tunay na lingkod bayan. Alam ang kanyang trabaho. Alam ang kanyang mga dapat gawin at higit sa lahat alam ang kinakailangan ng kanyang mga kababayan.

Di gaya ng ibang kalihim, bulsa lamang ang iniisip na punuan ng nakaw na pera ng bayan.

Kay Gibo seryoso ang laban sa CPP-NPA-NDF at sigurado tayo na bago matapos ang termino ng Marcos Administration kung di man ubos, ay kakapiranggot na lang ang bilang ng mga nanggugulo.