Sue Ramirez At Rico Blanco Swak Sa Makabagong Tema Ng Pelikulang “PROJECT BABY”; “PRINCE OF TALK” Toni Co, Lima Ang Show Sa TV At Digital Platforms, Actor Eian Rances Guest Sa “TALK EXPRESS!”
Advertisers
By Peter S. Ledesma
Tiyak na manggugulat ng moviegoer, ang bagong tambalang Sue Ramirez at Rico sa big screen para sa pelikula nilang “PROJECT BABY”. Grabe ang tema ng movie at first time akong nakapanood ng ganito katapang pero maganda at maayos na nailahad ni Direk Eric Quizon, kung bakit ang character ni Sandy(portrayed by Sue Ramirez) na nagpupursiging matupad na magkaroon ng baby na ayaw ng relasyon. Ay maintindihan ng manood. At tagumpay si Direk Eric at sumulat ng kwento na si FDCP Chairman Direk Joey Javier Reyes dahil sa umaapaw ang positive reviews na tinatanggap ng proyekto nilang ito na produced ng REGAL ENTERTAINMENT at PRPJECT 8 PROJECTS na showing na in over 130 Cinemas Nationwide.
Isang matagumpay na career woman itong si Sandy na dahil feeling niya ay nagkakaedad na ay nagkaroon ng plano na maghanap ng lalaki na tutupad sa kanyang project baby boy. But no attachment or committment. Parang ang hirap na matupad. Pero may guy na tatanggap ng deal na ito at siya ay si Migo(Rico Blanco) na charming, athletic at artistic painter.
Ang ganda ng eksena nina Sandy at Migo sa isang beach resort, kung saan dito nila gagawin ang baby ni Sandy. Kahit sabihin pa ni Sandy na isa lamang itong kasunduan ay mape-feel mo yung Love ni Migo sa kanya na gustong patunayan na mabuti siyang tao. Sa una ay maaawa ka sa karakter ni Migo, pero may twist sa ending na isa sa exciting part ng movie.
Samantala kaaaliwan ninyo ang character dito ni Matt Lozano na gay confidant ni Sandy at Bff at karibal sort of sa boylet na si Drei Arias. Except for Sue and Rico suportado ang dalawa ng mahuhusay na co-stars like Alice Dixson(Mom of Sandy) at mga barkada ni Sandy at Migo sa movie na sina Yasser Arra San Agustin, Yasser Marta, Alex Calleja, Kimson Tan, Etc. This movie is highly recommended like Sandy(Sue) who just wants to have a baby, but doesn’t want a relationship. Ginanap pala last June 9 ang Red Carpet Premiere ng Project Baby sa Cinema 6 ng Eastwood Cinemas na dinaluhan ng buong cast at ni Direk Eric Quizon at mother and son Regal Entertainment Producers Ma’am Roselle Monteverde at Sir Atty. Keith Monteverde. Namataan rin namin si Donny Pangilinan na sumuporta sa premiere night ng movie ito ni Sue at Rico. Yes, punong-puno ang buong sinehan na lahat ay pinalakpakan ang said film.
***
Ang movie and TV actor na napapanood sa “A Secret In Prague” sa TV 5 na si Eian Rances, ang makakaharap at mai- interview ni Toni Co, sa kanyang sariling show na “TALK EXPRESS!”
Maraming rebelasyon si Eian kay Toni na dapat ninyong abangan ngayong June 13, Saturday at 5:00 PM sa TALK EXPRESS. Eian is the brother of sexy comedianne Jenny Miller at nakagawa na ito ng ilang movies.
By the way, aba’y mapapa-wow at hanga ka naman talaga dito sa ating “PRINCE OF TALK” na si Toni Co. At sa rami o limang TV at Digital Show nito ay Sabado ay one day in one week na lang yata ang pahinga. Every Monday ay mapapanood ninyo si Toni sa kanyang Live Selling ng Luxury Bag sa official FB Page ng Tres Chic Luxury Original, Ang Lifestyle & Travel Program naman ni Toni ang mapapanood every Wednesday, 6:00 PM sa kanyang Youtube Channel(Travel & Lifestyle Channel), tuwing Sabado, 5 PM ay bibida si Co sa kanyang TALK EXPRESS sa KMD Youtube and Facebook at Cignal TV Channel, Makakasama naman ni Toni ang mga KaTarugs at kapwa social media influencers na sina Magdalena Fox at Dawn Dupaya sa bagong-bago nilang masaya at naughty Vlogs na “TARUGAYS” every Sunday at 6 PM sa Tarugays FB Page & Youtube Channel, at siyempre pa ang going to 2 years ng show ni Toni Co na “BOOKING” and Company sa EuroTV Philippines. Umeere sila every Friday at 3:30 PM. O di ba, Toni Co is certified most indemand Talk Show host.