Advertisers

Advertisers

Prosekusyon, may bagong ebidensya sa mga ‘di idineklarang ari-arian ni VP Sara sa SALN

0 6

Advertisers

ISINIWALAT ni House Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na may hawak silang bagong ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga ari-arian nito at ng kanyang asawa na hindi umano idineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) mula 2007 hanggang 2024.

Sa paglulunsad ng “Bantay Impeachment” sa Claret School, sinabi ni Ridon na nakatala ang mga ari-ariang ito sa mga ahensya ng gobyerno ngunit hindi lumitaw sa SALN submissions ng Bise Presidente.

Ang bagong ebidensyang ito ay gagamitin para patunayan ang reklamo ukol sa “unexplained wealth” o tagong kayamanan na isa sa apat na reklamong kinakaharap ni Duterte.



Ipinaliwanag ni Ridon na hindi nailatag ang mga dokumentong ito noong mga nakaraang pagdinig sa Kamara, kaya maituturing itong bagong-bago at pormal na isasama sa isusumiteng pretrial brief sa Senado sa susunod na linggo.

Sinabi rin niya na walang batas na nagbabawal sa prosekusyon na magpasok ng mga bagong ebidensya bago matapos ang pretrial stage.



Pinuri naman ni Ridon si House Prosecutor Joel Chua, na siyang nakatuklas sa mga nasabing bagong ebidensya.

Bukod sa unexplained wealth, nahaharap din si VP Duterte sa mga reklamong korapsyon, maling paggamit ng pondo ng bayan, at pagbabanta sa buhay ng mga matataas na opisyal ng bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">