PSC suportado ang PH-Korea dual program sa athletics
Advertisers
NAGKITA sina PSC chairperson John Patrick Gregorio at Patafa president Terry Capistrano kasama ang KJAF president na si Park Hyun Chun sa isang dinner na gina-nap sa Royce Hotel Linggo.
Ipinaalam ni Capistrano kay Gregorio ang tungkol sa isang pasalitang kasunduan para sa dual program sa pagitan ng Patafa at KJAF, kasama na ang bukas na paanyaya para sa mga Pilipinong atleta na mag-ensayo sa mga pa-ngunahing pasilidad ng Yecheon sa South Korea.
Sinabi ni Patafa secretary general Jasper Tanhueco na ang pa-kikipagtulungan ay dinisenyo bilang isang exchange program para sa mga atleta na estudyante, kung saan magpapadala ang Patafa ng mga high school na atleta para makipagkompetensya sa Korea, at kapalit nito, pupunta naman ang mga atleta galing Korea sa Pilipinas para sumali sa mga lokal na paligsahan.
Samantala, pinuri ni Gregorio ang Patafa sa matagumpay na pagsasagawa ng ICTSI Philippine Athletics Championships, na kilala rin bilang National Open, na layuning hasain ang mga elite na atleta habang nagbibigay ng platform para sa mga kabataan at talento mula sa grassroots upang umangat.
Ang edisyon ngayong taon ay nakahikayat ng 1,015 atleta, kabilang ang 95 mula sa U.S., Canada, Samoa, Korea, Papua New Guinea, Singapore, Malaysia, Indonesia, at Chinese Taipei.
Pinalawak ng paligsahan ang abot nito sa pa-mamagitan ng pagdag-dag ng kategoryang U20 kasabay ng U18 at Open/Elite na mga dibisyon.
“We wanted to give more opportunities for youth athletes to compete at a high level. The U20 bracket ensures continuity in development and prepares them for the international stage,’’ Wika ni Capistrano, na kinumpirma ang paghost ng bansa sa Asian U18 Athletics Championships sa Abril 2027 sa New Clark City Athletics Stadium.