Advertisers
IYAKAN ang kampo nina dating Congressman Mike Defensor at Senador Imee Marcos nang hindi sila papasukin sa venue kungsaan sana gaganapin ang kanilang pekeng ‘Senate Blue Ribbon Committee’ hearing nitong Martes, Hunyo 16.
Kinansila kasi ng Doublegem EDSA Garden Events Place, ang lugar kungsaan sana gaganapin ang BRC hearing na dadaluhan ng mga dating badigard ni ex-Congressman Zaldy Co na nag-deliver kuno ng male-maletang kickback money sa flood control projects ng mga politiko at mga dati at aktibong opisyal ng gobierno.
Nilinaw ng nasabing events place na wala silang koneksyon o kinalaman sa gaganapin na Blue Ribbon hearing ng Cayetano-bloc.
“Doublegem EDSA Garden Events Place respectfully informs the public that the scheduled Blue Ribbon Committee event at our venue will no longer proceed as originally planned,” pahayag nito.
“We would also like to reiterate that Doublegem EDSA Garden Events Place has no affiliation whatsoever with the organizers, participants, or subject matter of the event. Our role was solely that of an independent events venue provider,” giit nito.
Ganunpaman, natuloy parin ang “hearing” ng grupo ni Defensor, kasama ang 18 Maleta boys kungsaan nagpresinta ang mga ito ng mga “bagong ebidensya” kuno, mga picture na tila gawa ng AI.
Ang nakakatawa pa rito, idinawit na si Sen. Kiko Pangilinan na nadeliberan kuno ng male-maletang pera. Hehehe…
Kung si Sen. Loren Legarda ay inalis sa unang listahan ng mga nadeliberan ng mga maleta, ipinalit naman si Kiko. Aray ko. Nakakabaliw na kayo ha?, Mike. Hehehe…
***
Ang hindi ko maintindihan dito sa kampo nina Defensor, Cayetano, Rodante Marcoleta at Imee ay kung bakit hindi nila kasuhan sa Ombudsman o saan mang korte ang mga politiko at opisyal na tumanggap o dinalhan kuno ng male-maletang kuwarta ng kanilang “18 Maleta boys”.
Sa halip ay sa social media at sa press conference sila nagngangakngak! Paano nila mapapanagot ang mga sangkot kung totoo ang inaakusa nila? Maliban nalang kung nanggugulo lang sila.
Obviously, tahi-tahing kuwento lang nila ang pag-deliver kuno ng male-maletang kickback money mula sa “ghost projects” ni Zaldy Co.
Dahil kung tunay ang mga inaakusa ng 18 Maleta boys, hindi sila mangingiming kasuhan ang mga korap na politiko o opisyal. Mismo!
Ni hindi nga sila makaharap sa mga imbestigasyon ng National Bureau of Investigation. Ayaw din nilang humarap sa Blue Ribbon Committee hearing ng Gatchalian-bloc, na siyang kinikilala ni PBBM na kasalukuyang lider ng Senado.
***
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Win Gathalian na peke, iligal ang “Senate Blue Ribbon” hearing ni Defensor dahil hindi naman ito senador para magpatawag ng hearing, at sa paggamit nito sa pangalan ng Senado ay malamang na ito’y makasuhan. Araguy!!!