Advertisers

Advertisers

Seryoso?: Sen. Risa takbong presidente

0 193

Advertisers

SUMABOG sa social media nitong Biernes, Hunyo 19, ang pahayag ni Senadora Risa Hontiveros. Kinokonsidera aniya ang pagtakbong presidente sa 2028.

Sa anunsyo niyang ito, tiyak na hindi na siya tatantanan ng mga atake ng trolls ni Vice President Sara Duterte-Carpio, Mismo!

Si Sara ay mas maagang nagpahayag ng kanyang pagtakbo sa panguluhan, last year pa! At nangunguna siya ngayon sa mga survey sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Sa kabilang banda, ang pagsigaw na ito ni Risa ng kanyang ambisyong kakasa sa presidential derby, masusukat na kung gaano kalawak ang mga susuporta sa kanya.

Magiging maganda ang laban ni Risa kung tunay ngang hindi tatakbo si dating Vice Presidente ngayo’y Naga City mayor Leni Robredo at ang isa pang paboritong alin kina Senador Raffy or Erwin Tulfo.

Last year ay nagpahayag si Leni na wala siyang balak tumakbo sa nasyunal, may mga gagawin pa raw kasi siya sa kanyang lungsod.

Si Leni ang malapit na kalaban ni Sara sa presidential surveys.

Malakas na kontender din alin kina Raffy at Erwin. Pero kapwa may problema ang mag-utol na ito. Maraming isyu laban sa kanila, na tiyak mauungkat kapag kumasa sila sa pagka-pangulo. Peks man!

Samantalang si Risa ay taas-noo sa kanyang pagkatao, walang bahid ng korapsyon, may prinsipyo, matalino at matapang. Kailangan lang niyang bumaba sa mga laylayan at makuha ang simpatya ng masa. Mismo!

Malakas ang loob ni Risa na ipahayag ang kanyang pagtakbong pangulo dahil posibleng ma-impeach si Sara.

Oo! Kapag na-impeach si Sara, hindi na siya puede tumakbo sa 2028 sa kahit anong posisyon sa gobierno, ayon sa ating Konstitusyon.

Kung sakali, sino naman kaya ang posible maka-tandem ni Risa? Palagay ko si Sen. Bam Aquino. Puede!

Dapat matino rin ang maging Bise ni Risa, hindi gaya ng naging ka-tandem ni Pangulong Bongbong Marcos na lustay at sira-ulo. Hehehe…

See you in 2028, folks!