Advertisers

Advertisers

“ALICE GOU” AT ALYAS BUNNY NG IBAAN, BATANGAS

0 3,133

Advertisers

MARAMI ang umalma at nagpahayag ng kanilang diskontento, hindi lamang kay Ibaan Mayor Jane Casas, kundi maging kina Batangas PNP Provincial Director Col. Oliver Ebora, Batangas Criminal Investigation and Detection Group Provincial Officer Lt Col. Bryan Dexter Andulan at Ibaan Police Chief Maj. John Leo Cuasay dahil sa pagkabigo ng mga itong sugpuin ang pasingaw at buriki/paihi ng Chinese spy at ang dummy nitong si alyas Bunny na kilala din sa alyas Sgt. Mercado sa bayan ng Ibaan.

Ibaan, Batangas Mayor Jane Casas at Ibaan Police Chief Maj. John Leo Cuasay

Kinukwestiyon ng mga mamamayan ang kawalan ng aksyon hindi lamang laban sa pasingaw at buriki/paihi, pati na rin sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng na pinasok na din ng babaeng Chinese spy na bantog din sa taguring alyas Alice Gou ng Ibaan at sa dummy nitong si alyas Bunny aka Sgt. Mercado.

Inihahanda na ng grupong Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MMKB) ang isang kalatas upang ipanawagan kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na kastiguhin at kasuhan ang mga police commander, lokal na opisyales, iba pang government official, kasama na ang ilan sa mga barangay leader na may kinalaman sa mga illegal activity sa 26 na barangay ng Ibaan.

Sa naturang kalatas, hinimok ng MKKB sina PBBM at Sec. Remulla na paimbestigahan sina Mayor Casas, Col. Ebora, LtCol. Andulan at Maj. Cuasay kung “namamantikaan ang nguso” ng pasingaw, buriki at pa-jueteng ng Chinese spy aka Alice Gou ng Ibaan at alias Bunny/Sgt. Mercado pagkat mistulang bulag, pipi at bingi ang mga ito sa nagaganap na mga ka-iligalan sa kanilang nasasakupan?

Minaliit din ng MKKB ang kakayahan ng PNP lalo na ng Batangas PPO sa ilalim ni Col. Ebora at Ibaan MPO sa pamumuno ni pagkat di magawang maaresto at makasuhan ng mga ito sina alyas Alice Gou at alyas Bunny/Sgt. Mercado na may kuta ng pasingaw at buriki/paihi sa may Ibaan Exit na 300-500 meters lamang ang layo sa STAR Tollway.

Pinangangambahan na anumang oras ay posibleng sumabog ang kuta ng pasingaw at buriki/paihi sa Ibaan habang nagnanakaw ng LPG at produktong petrolyo ang 10-kataong armado ng baril na tauhan/alipores nina alyas Alice Gou at alyas Bunny aka Sgt. Mercado. Peligro ang idudulot nito sa buhay at ari arian ng mga inosenteng mamamayan lalo’t nasa mataong lugar ito ng Ibaan.

Ayon sa grupong MKKB, hindi lamang ang “mantika sa kanilang mga nguso” ang dahilan, kundi posibleng takot sina Col. Ebora, Mayor Casas, LtCol. Andulan at Maj. Cuasay sa mga “kapustahan” o police tong collector na sina alyas Sgt. Adlawan at Magsino kaya di mapigil ang operasyon nina alyas Alice Gou at dummy na si alyas Bunny aka Sgt. Mercado?

Sino ang hindi maaandap gayong ang pakilala nina alyas Sgt. Adlawan at Magsino ay sugo sila ng ilang matataas na opisyales sa tanggapan ng Camp Crame, PNP Region 4A, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A, Batangas PPO at CIDG Provincial Office upang isaayos ang “takbo ng tabakuhan” ng pasingaw, buriki/paihi at jueteng sa Ibaan?

May mga pasingaw at paihi din sa Carmona City, Cavite, Calamba City, Cabuyao City, Laguna at Pagbilao, Quezon pawang sa hurisdiksyon ni PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan.

Sina alyas Sgt. Adlawan at Magsino ang nag-udyok kina alyas Alice Gou at alyas Bunny/Sgt. Mercado na ituloy ang pasingaw at buriki/paihi operation na pansamantalang napatigil nang maglunsad ang mga awtoridad ng nationwide crackdown laban sa operasyon ng pasingaw, buriki/paihi.

Si Alice Gou ang pinagsuspetsahang Chinese military spy na nakapasok sa bansa gamit ang pekeng pangalang Filipino at naging mayor ng Bamban, Tarlac, kung saan nakapag-operate ito ng sandamakmak na ilegal na aktibidad.

Ang convicted plunderer na si Alice Gou ng Bamban, Tarlac ay katulad din halos ng operasyon ng Chinese spy ng Ibaan, Batangas na nakapaglatag ng operasyon ng pasingaw, paihi pati na ang jueteng sa 26 na barangay sa naturang munisipalidad, gamit ang isang alyas Bunny o Sgt. Mercado. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144