Advertisers
DINAKIP ng mga elemento ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang aktibong pulis na wanted sa kasong rape at domestic abuse sa magkahiwalay na operation sa Quezon City at Davao del Norte nitong Sabado.
Ayon kay PNP Chief, General Jose Narttez Jr., ang mga naaretong pulis ay may ranggong Master Sergeant na nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG), at isang Patrolman na nakatalaga sa Office of the Regional Police Records Management Division–Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 11 (PRO-11).
Ayon kay Nartatez, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng IMEG sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 266-A na ipinalabas ng Taguig City Regional Trial Court Branch 267 sa isang Hotel sa Don Alejandro Roces, Quezon City.
Sa report, matagal nang mino-monitor ang mga nasa-bing pulis dahil sa pag-kakasangkot sa mga ilegal na gawain, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga. Natukalasan ng mga operatiba na mayroon umiiral na warrant of arrest laban sa nasa-bing pulis dahilan upang isinagawa ng operasyon. Walang piyansang inirekomenda ang korte.
Samantala, naaresto ng mga elemento ng IMEG ang isang Patrolman na nakatalaga sa Office of the Regional Police Records Management Division–Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 11 (PRO-11) sa Sto Tomas, Davao del Norte.
Inaresto ang nasabing pulis sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa paglabag sa Section 5(i) ng RA 9262 na may piyansang itinakda sa ha-lagang P72,000, at paglabag sa Section 5(a) ng parehong batas na tumutukoy sa slight physical injuries, na may pi-yansang P6,000.
Nabatid na ipinagharap ng reklamo ang nasabing pulis ng kanyang asawa nang pananakit na nagdulot ng mental at emosyonal na paghihiarap ng biktima.
Inatasan din ni Nartatez ang IMEG na paigtingin ang pagmamanman sa mga pulis na nasasangkot sa mga gawaing kriminal, reklamo ng karahasang domestiko, at paggamit ng ilegal na droga.
(Mark Obleada)