Advertisers

Advertisers

PULIS PINAGBABARIL HABANG NAGDARASAL SA LOOB NG MOSQUE

0 6

Advertisers

BUMULAGTA ang isang pulis nang pagbabarilin habang nagdarasal sa loob ng mosque sa Barangay Uyaan Proper sa Madamba, Lanao del Sur Sabado ng gabi.
Nagsasagawa ng isha, ang panglimang dasal sa Islam bawat araw, si Chief Master Sgt. Alioden Sarangani nang lapitan ng isang lalaki at putukan iti ng ilang beses sa ulo, nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Sa ulat nitong Linggo ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad nakatakbo palayo ang salarin sa kalagitnaan ng komosyon sanhi ng mga putok na uma-lingawngaw sa loob ng mosque, iniwan siyang naka-bulagta, wala nang buhay.
Ang napaslang na pulis ay mula sa isang malaking angkan na Maranao sa Barangay Tungantungan, Madalum, Lanao del Su.
Kinondena nila Brig. General Christopher Abecia, director ng PRO-BAR; at Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., ang pagpaslang kay Sarangani.
Ayon kay Adiong, chairperson ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council, tutulong sila sa pagkilala sa pumatay kay Sarangani upang masampahan ng kaso.