Advertisers

Advertisers

Dwayne Garcia Nominado Sa 17th PMPC Star Awards For Music

0 11

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

MAY ginagawang pelikula ang singer-actor na si Dwayne Garcia titled Uploading

Kasama niya rito sina Eliza Borromeo, Aljon Mendoza, Dylan Yturralde, Zeus Collins, Arlene Muhlach, Irma Adlawan at Dennis Padilla. Gumaganap siya rito bilang si Ram.

Mula ito sa direksyon ni Joven Tan.

Pangalawang movie na ito ni Dwayne. Una siyang napanood sa Outside de Familia na gumanap siya bilang anak ni Gelli de Bellen.

Sa unang acting experience niya na yun, ay hinangaan agad siya sa kanyang pagganap.

Second time na rin niya to work with Direk Joven Ito rin kasi ang didsktor ng ODF.

Samantala, sa darating na 17th PMPC Star Awards For Music na gaganapin sa Huwebes June 25,ay nominado si Dwayne bilang New Male Recording Artist of tbe Year.

Syempre pa, happy ang gwapong bagets sa nominasyong nakuha niya mula sa nasabing award giving body.

“Sobrang grateful po ako na na-nominate sa Star Awards for New Male Recording Artist. Hindi naman ako umaasa na mananalo, pero sana. Honestly, masaya na ako na na-nominate at na-recognize yung single ko. That alone means the world to me,”sabi ni Dwayne.