Advertisers
IBANG klase talaga itong si dating Senador Antonio Trillanes. Wala siyang sinisino. Sa totoo lang!!!
Oo! Binibira ngayon ng dating renegade soldier na naging politiko at ngayo’y educator na Trillanes ang Office of the Ombudsman. Tumatanggap daw ito ng milyon milyong pisong halaga ng tinatawag na “parking fee”.
Sinabi ni Trillanes na tumatanggap ng pera ang hindi n’ya tinukoy na tauhan ng Ombudsman para hindi umusad ang ilang reklamo laban sa ilang opisyal ng gobierno partikular politiko.
Binanggit ni Trillanes si Senador Bong Go, na matagal na aniyang sinampahan ng reklamo sa Ombudsman pero hanggang ngayon ay wala manlang aksyon dito.
Say ni Trillanes, ginamit ni Bong Go ang impluwensya nito para makorner ng multi-billion peso na halaga ng mga proyekto sa gobierno noong panahon ni ex-President Rody Duterte kungsaan ang senador ay tumatayong Special Assistant to the President (SAP) bago pa ito pumasok sa politita nang patapos ang termino ni Digong.
Ang isang construction company raw na nakapangalan sa ama ni Bong Go na CLTG Builders ay nakakorner ng bilyon bilyong halaga ng proyekto sa Davao region noong pangulo si Digong.
Ang CLTG ay hango sa pangalan ng senador na Christopher Lawrence Tesoro Go.
Ang kanya ring half brother na si Alfredo Go na may-ari ng AlfreGo Builders and Supply ay nagkaroon din ng bilyon bilyong halaga ng proyekto noong termino din nila ni Duterte sa Malakanyang.
Sinabi ni Trillanes na ang CLTG ay nakakuha rin ng daan-daang milyong halaga ng proyekyo sa isang contruction company ng kontrobersyal na mag-asawang Curlee at Sara Discaya.
Ang mag-asawang Discaya ay kapwa nakakulong ngayon sa mga kaso ng ghost flood control projects.
Hamon ni Trillanes kay Ombudsman Boying Remulla, kung tunay na gustong ipakulong ni Boying ang mga bigtime korap sa gobierno, aksiyunan na ang matagal nang isinampa niyang reklamo laban kay Sen. Go at sa mga aanak nito.
Tahasan niyang sinabi na mayroong taga-Ombudsman ang tumatanggap ng pera para hindi pagalawin ang mga isinampang reklamo laban sa ilang opisyal partikular politiko.
Kung totoo ang sinasabing ito ni Trillanes sa liderato ni Ombudsman Boying, aba’y masasabi nating para rin pala itong panahon ni ex-Ombudsman Samuel Martires. Tsk tsk tsk…