Advertisers

Advertisers

3 ESTUDYANTE PATAY, 7 SUGATAN SA PAMAMARIL SA LOOB NG ISKUL!

0 35

Advertisers

NASAWI ang tatlong estudyante at pito ang sugatan sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, Lunes ng umaga, Hunyo 22.
Ang 3 nasawi ay pawang Grade 9 na estudyante, habang ang 7 sugatan na pawang estudyante rin ay kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Kinilala ng pulisya ang mga salarin na 15-anyos at 14-anyos na Grade 9 student ng nasabing paaralan.
Batay sa paunang ulat ng Tacloban City Police Office, naganap ang insidente 9:00 ng umaga.
Nahuli agad ang isang sa-larin sa loob mismo ng paaralan matapos ang insidente. Habang naaresto ang ikalawa sa Barangay 87 ma=lapit sa paaralan sa tulong ng mga residente na boluntaryong tumulong sa pagha-hanap rito.
Narekober ng mga otoridad ang ginamit na isang kalibre 38 pistol at Glock caliber 9 mm pistols.
Nabatid na pinasok ng mga salarin ang isang classroom ng paaralan habang nagklase-klase ang mga estudyante at pinaputukan ang mga ito, dahilan para magkagulo at magtakbuhan palabas ng silid-aralan ang mga mag-aaral.
Hinabol ng pa mga salarin ang ilang nagtatakbuhan na mga etudyante hanggang sa makapasok sa 2 silid ng paaralan at muling namaril.
Isinasagawa na ang masu-sing imbestigasyon sa krimen.(Mark Obleada)