Advertisers

Advertisers

‘Pangit ang gupit’ namaril; at kasong non-bailable ni Defensor

0 5

Advertisers

PANG-IINSUlTO sa pangit na gupit ang naging rason ng pamamaril ng dalawang estudyante sa mga mag-aaral ng San Jose national High School sa Tacloban City, Leyte.

“Tinawanan nila ang gupit ko,” sabi ng isang pangunahing salaring Grade 9 student na 15-anyos.

Ang kasamahan nito sa pamamaril, na kanya ring kaklase at ka-edad, ay maaring nakisampatya lang dahil sa kanilang friendships, tropa baga.

Mababaw na dahilan para mamaril ang ma-bully na pangit ang gupit. Pero kapag napapahiya ka na sa harap ng marami lalo sa tsika babes, talagang magdidilim ang paningin mo, makakapag-isip kang gumanti. At yan ang nangyari sa dalawang magkaibigan, tinukso nang tinukso ang isa sa kanila, nakapag-isip gumanti. Namaril!: Tatlo ang patay at marami ang nasgatan.

Obkors may pananagutan din dito ang may-ari ng mga baril na ginamit sa krimen. Ang isang may-ari raw ay policewoman, tiyahin ng isang salarin. At ang isang baril naman ay pag-aari ng isang security agency. Sekyu siguro ang ama ng isang batang namaril.

Ang masasabi ko lang, mga kabataan: Mag-isip ng maraming beses bago gumawa ng karumal-dumal na krimen. Sayang ang buhay na mabubulok lang sa bilangguan.

Sa tatlong pinatay at sa dami ng nasugatan, tiyak sa kulungan na tatanda at mamamatay ang dalawang batang kriminal. Magsisi man sila, hindi sila mapapatawad ng batas. Yan ang batas. Malupit. Pero yan ang batas!!!

***

Dalawang kasong ‘non-bailable’ ang kinakaharap ngayon ng nasa likod ng “maleta boys” na si ex-Congressman Mike Defensor.

May kinakaharap siyang qualified human trafficking na nakatakda nang isampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justce (DoJ).

At ang isa pa ay Plunder sa Office of the Ombudsman.

Ang qualified human trafficking ay may kinalaman sa pagsalakay ng NBI operatives sa isang KTV bar at hotel na pag-aari raw ng pamilya Defensor, kungsaan nabunyag na mayroon “tadtaran”.

Ang Plunder naman ay ang pag-amin ni Defensor na pagbigay ng campaign funds na umabot sa P75 million kay Senador Rodante Marcoleta.

Congressman pa kasi si Marcoleta, na nooy nakatakdang tumakbong senador, nang ibigay ni Defensor ang pondo. Bawal ito sa Saligangbatas.

Obkors kasama rin sa kasong Plunder si Marcoleta, na nagpapakalat na ngang mayroon na siyang arrest warrant kahit wala pa naman. Hehehe

So, mga pare’t mare, abangan nalang natin ang pagdampot sa mga “financier” na ito ng maleta boys.