Advertisers

Advertisers

SHANA CARMIGNANI TEEN ACTRESS/MODELFROM SINGAPORE TO PHILIPPINES!

0 7

Advertisers

By Direk JM

Si Shana Carmignani ay Teen Actress and Model galing Singapore, isang Half French at Half Filipina 12 years old, grade 5 student at ngayon nga ay nasa Pilipinas na siya at ilang ulit na din nag mall show at rumampa as model sa ilang sikat na malls sa Pilipinas.

Kamakailan lang ay rumampa ang teen actress at model na si Shana sa isang sikat na mall sa Maynila sa Independence Day Modeling Event. Nito lamang din nakaraang month of May naman ay nag guesting at mall show siya kasama ang Teen Group niyang Flora sa isang Mall din sa Maynila.

Si Shana isang talented na Teenage Girl, dahil bukod sa acting at modeling ay magaling din ito kumanta at sumayaw. Nakagawa na din si Shana ng isang malaking project sa Singapore lumabas siya sa isang true to life story Short Film movie playing the lead character as Diana.

Kamakailan lang ay lumabas din siya sa isang stage play sa kanilang paaralan. Tinanong ko siya kung anong mga roles ang gusto pa niya magampanan sa mga susunod pa niyang magiging projects at movies, “Honestly, I love any role they are all fun to play, I can also learn some things about these roles but if I really have one that I would want the most It would be the main character or the villain, anything as well” sagot niya.

Tinanong ko din siya sino ang favorite actress niya sa Hollywood ang sagot naman niya ay si Ariana Grande isang American singer, song writer at actress. Sa Pilipinas naman ang Idolo daw niya na actress at singer ay si Sarah Geronimo.

Pangarap mo ba talaga ang maging actress tanung ko sa kanya, “Yes It’s my dream to be an actress, I want to be recognize, show my talents to the world and the Philippines as well”.

Sa ngayon dahil nga galing siya sa ibang bansa ay pinag aaralan na din niya maging bihasa sa Tagalog or sa ating language na Filipino. For Showbiz Projects naman ay maari ninyong I – message ang kanyang mother na si Mheng Carmignani.

Abangan natin ang mga gagawin pa na projects ni Shana Carmignani sa modeling events, mall shows at movie projects this whole year.