Advertisers
NAUWI sa engkuentro ang operasyon ng pulisya laban sa isang grupo ng mga kalalakihan na walang habas na nagpapaputok ng baril malapit sa isang tindahan sa Arayat, Pampa-nga, Sabado ng gabi, Hunyo 27.
Naaktuhan ng mga opera-tiba ng SWAT Pampanga ang grupo habang nagpapaputok ng mahabang baril. Nang la-pitan sila at sawayin ay pulisya ay pinaputukan ng mga ito ang mga awtoridad, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis. Sugatan ang apat.
Matapos ang putukan ay naaresto ang apat na indibidwal, kabilang ang lider ng grupo na si “Ka Arlet”.
Nakumpiska mula sa grupo ang iba’t ibang uri ng mga baril: isang kalibre .45, M16, 12 gauge shotgun, .38 revolber, carbine at isang hand grenade.