Advertisers

Advertisers

Impeachment trial nanganganib maging ‘kangaroo court’

0 12

Advertisers

TIYAK nakaabang na ang lahat sa pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa July 6.

Mainit na isyu ang impeachment sa taumbayan, kungsaan hati ang mga opinyon dito.

Marami ang nagsasabi na dapat impartial ang Presiding Officer dito.

Panay na ang press release at interview ni Senate President Sherwin Gatchalian tungkol sa diumano’y paghahanda niya sa pagiging Presiding Officer.

Teka lang. Gatchalian as Presiding Officer? May mga umaalma rito. Hindi ba’t kilalang aligned sa administrasyon si Gatchalian? Hindi kaila na kaalyado niya ang mga tinatawag na “pinklawan” na siyang tumutulak sa impeachment laban kay VP Sara.

Ayon narin kay Gatchalian mismo, ang impeachment ay isang political exercise. Kung sinoman ang magiging Presiding Officer, babalansehin nito ang magkabilang panig upang matiyak na patas at makatarungan ang proseso. Sobrang hati na ang bansa sa isyu na ito, at kaunting pagdududa ay maaaring maging mitsa upang magsiklab ang damdamin ng magkabilang panig.

Pero kung ang mangunguna sa proseso ay kilalang alyado ng isang kampo, baka hindi magmukhang makatuwiran ang paglilitis. Mababahiran ito ng kulay ng pulitika, at magmumukhang hawak sa leeg ang namumuno. May panganib na maging moro-moro at lutong Macau ang impeachment. Hindi ito ang gusto nating mangyari. Mismo!

Hindi abogado si Gatchalian. Dahil sa kawalan ng karanasan sa mga ganitong klaseng paglilitis, malaking hamon sa kanya ang mga taktika ng magkabilang panig.

Ang kailangan dito ay isang “centrist” at neutral na mamumuno. Kailangan walang duda sa kanyang integridad at walang kinikilingang panig. Hindi natin kailangan sa panahong ito ang anumang kaguluhan. Huwag na nating dagdagan ang maraming problema ng ating bansa.

Mas mainam din na ang Presiding Officer ay abogado, at may alam talaga sa proseso at pag-rule ng mga pinagtatalunan ng mga kampo ng prosecution at defense.

May mga nagsasabing itinutulak ng ilang kampo mula sa Kongreso at Senado si Gatchalian upang maging Presiding Officer dahil sa kanyang pagiging “pinklawan.”

May mga nagsasabing walang sariling paninindigan si Gatchalian at sunod-sunuran lang ito sa mga utos ng Palasyo.

Kung ganoon, bakit pa natin pinag-uusapan si Gatchalian bilang Presiding Officer? Ngayon palang marami nang tanong sa kanyang paninindigan at kakayanan.

Mayroon ding mga bulong-bulungan na itinutulak din ng “pinklawan” si Senator Kiko Pangilinan bilang Presiding Officer.

May mga balitang nangangampanya nang palihim ang kampo ni Pangilinan at tila sinisiraan si Gatchalian at iba pang kwalipikadong senador para sa posisyon ng Presiding Officer.

Ganito ba ang gusto nating mamuno sa isang proseso na napakadelikado. Kungsaan maaaring sumabog ang damdamin ng bawat Pilipino? Kung sa pagpili pa lang ng Presiding Officer ay nababahiran na agad ng duda at pamumulitika, baka magising nalang tayo at nagmamartsa na muli ang taumbayan sa kalsada. Mismo!

Kung mayroong kahit katiting na duda sa pagiging patas ng Presiding Officer, dapat ay matic na ekis na ang mga pangalan na iyan. Now na!