Advertisers

Advertisers

PBBM ‘DI ITINUTURING NA BANTA ANG INC RALLY

0 7

Advertisers

HINDI ikinababahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinagawang pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA na nagsimula noong Lunes, Hunyo 29.

Pahayag ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, nakatuon ang pangulo sa pagpapatupad ng batas at hindi ito dapat maimpluwensyahan ng interes ng sinumang indibidwal o grupo.

Nagtataka rin aniya ang pangulo kung bakit nauwi sa malawakang pagtitipon ang anunsyo ng Office of the Ombudsman na magsasampa ito ng kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan.



Sa usapin naman kung nagkulang ang intelligence agencies matapos mabigla ang mga awtoridad sa madaling-araw na pagtitipon, sinabi ni Castro na hindi siya ang tamang taong sasagot dito dahil hindi mga rebelde o terorista ang nagtipon kundi mga pribadong indibidwal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">