Advertisers

Advertisers

Hindi umatras ang yagbols ni Boying

0 8

Advertisers

HINDI umatras ang yagbols ni Boying sa tatlong sunod na araw na malalaking rally ng mga kapatid sa pananampalataya ni Senador Rodante Marcoleta.
Oo! Isinampa nitong Biernes ni Ombudsman “Boying” Remulla ang kasong PLUNDER laban kay Marcoleta at tatlong co-accused niya kabilang si dating Senador Mike “Maleta” Defensor kaugnay ng P75 million campaign donations noong nakaraang eleksyon kungsaan hindi idineklara ng senador ang naturang halaga sa kanyang SALN at SOCE na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng halalan.
Ang isa pang rason ng pagsampa ng plunder case kay Marcoleta ay ang pagtanggap ng naturang “gift” sa mga negosyante habang siya nakaupong kogresista, na mahigpit na ipinagbabawal sa ating Saligangbatas.
Kung tatanungin n’yo ako kung bakit nakasuhan ng plunder si Marcoleta gayung wala namang public fund na sangkot dito? Well, basahin n’yo nalang ang Plunder Law sa Google at masasagot ang katanungan ninyo. Just do it, folks!
Ang kasong plunder na isinampa ng Ombudsman kina Marcoleta et al… ay na-raffle sa Third Division ng Sandiganbayan.
Ang plunder ay isang non-bailable crime, pero pinapayagang magpiyansa kapag nakitang mahina ang mga ebidensiya.
Samantalang napunta sa iba’t ibang dibisyon ng anti-graft court ang reklamong paglabag sa Presidential Decree No. 46 laban kina Marcoleta at iba pa.
Napunta sa Fourth Division ang kaso ni Defensor, sa Sixth Division ang kay Espiritu at First Division ang kay Viray.
Para maintindihan ang PD No. 46, igo-Google n’yo. Hehe..
***
Pinasasagot na ng Office of the Ombudsman sina Senador Alan Peter Cayetano, Sen. Robin Padilla at dating Senate security chief Mao Aplasca kaugnay ng kasong ‘Obstruction of Justice’ na isinampa ng grupong ‘Tindig Pilipinas’ na pinamumunuan ng aktibistang pamangkin ni late President Noynoy Aquono na si “Kiko” Aquino-Dee.
Kaugnay ito ng pagpatakas kay Sen. Bato dela Rosa sa kostudya ng Senado na noo’y nasa ilalim ng liderato ni Cayetano noong Mayo 14 ng madaling araw.
Sa mga nakalap na video footage sa loob at paligid ng Senado, makikita sina Bato, Padilla at isang babaeng staff ng huli na sumakay sa kotse at lumabas ng gusali ng Senado.
Inamin ni Sen. Padilla na sila nga ni Sen. Bato ang sumakay sa kanyang kotse madaling araw ng Mayo 14.
Sinabi ni Padilla na ibinaba niya si Bato sa Makati City. Hindi na raw niya alam kung saan ito nagtungo.
Si Bato ay may arrest warrant mula sa International Criminal Court bilang co-perpetrators ni ex-Presiodent Rody Duterte sa kasong Crimes against humanity kaugnay ng mga patayang naganap noong termino ni Digong.
Waiting narin pala sa arrest warrant sina Cayetano, Padilla at Aplasca. Abangan!