Advertisers
MATATAG ang pahayag ng dalawang Duterte Die Hard (DDS) na sina Rodante Marcoleta at Robinhood Padilla.
Ang abogado de campanilla na si Senador Marcoleta ay inamin mismo sa Commission on Election (COMELEC) na tumanggap siya ng Php 75M noong siya ay partylist representative pa lamang sa magkakaibang pagkakataon mula sa mga kaibigan na nagnanais na tulungan siya na makarating sa senado.

Lumilitaw na ang mga tinutukoy ng senador ay ang mga best friend nitong sina Michael Tan Defensor, Aristotle Baluyot Viray at Joseph Varias Espiritu.
Hindi konting halaga ang Php 75M na kusang ipinagkaloob ng kanyang mga kaibigan, si Defensor ng Php 30M, si Espiritu ng Php 25M at Viray ng Php 20M.
Ngunit hindi ito idineklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa COMELEC at maging sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Kasama ni Marcoleta ang tatlong “Good Samaritan” (Defensor. Espiritu at Viray) na ipinagharap sa Sandiganbayan ng OMBUDSMAN ng kasong plunder. Ika nga ay nahuli ang malalaking isda at shoot sila sa balde?
Ang Bad Boy naman ng Philippine Movie na naging senador na si Padilla ay kontrobersyal dahil sa pagpapatakas sa wanted ng International Criminal Court (ICC) na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Naunang kumaripas ng takbo sa tumutugis sa kanyang mga agent ng NBI si Dela Rosa at tuluyang umeskapo sa “protective custody” ng senado sa ilalim ni Alan Peter Cayetano noong madaling araw ng May 14, 2026.
Sa pahayag ni Padilla, sila ni Dela Rosa ay magkasamang naglakad lamang mula sa tanggapan palabas ng senado at hindi tumakas.
One thing in common, Marcoleta at Padilla kapwa aminado: nabitag, huli sa kanilang mga salita.
KASUHAN ANG MGA PROTECTOR AT IBA PA!
Kung nais ni Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan na mapatino ang takbo ng burukrasya sa kanilang lalawigan ay magpaimbestiga ito upang malaman kung sino ang mga nagkakanlong, kunsintidor o mga “patong” na lokal na opisyales kasama na ang mga barangay official sa mga ilegalista sa naturang probinsya.
Imposible yata na bukod sa ilang scalawag police officials, ay walang alam ang hanay ng lokal na opisyales ng Lucena City at bayan ng Pagbilao sa talamak na operasyon ng oil and petroleum pilferage o buriki/paihi, bukod sa lantaran ding takbo ng illegal gambling sa mga naturang lokalidad.
Nakapagtatakang kahit si Quezon Acting PNP Provincial Dir. Col. Romulo Albacea ay tila bulag, pipi at bingi sa garapalang buriki/paihi nina alyas Troy sa Eco-Tourism Road, Brgy. Salinas, sa syudad ni Lucena Mayor Mark Alcala at alyas Amigo sa Brgy. Ikirin, sa bayan ni Pagbilao Mayor Gigi Portes. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144