Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAPAKAGANDA ng Homily ni Msgr. Rolando “Rolly” or “Rody” dela Cruz nitong Linggo sa Manila Cathedral.
Tinalakay niya ang pagtitiis. Kaya raw natin tiisin ang anumang paghihirap at pagpapasakit na gawa ng ating mga opisyal.
Nagagawa raw natin tiisin ang trapik araw-araw sa pagpasok sa trabaho at sa mga lakad. Natiis daw natin si Duterte (sa loob ng anim na taon). Nagawa raw natin tiisin ang korapsyon (gawa ng mga opisyal partikular ang mga halal). Pero dapat raw ba sila tiisin?
Anong sagot n’yo, mga pare’t mare? Kaya n’yo bang tiisin ang pangungulimbat at pang-aaboso ng mga halal na opisyal?
Kung hindi mo sila kayang tiisin, madali lang silang kalusin sa pamamagitan ng eleksyon. May termino sila sa batas. Tatlong taon sa lokal (mayor, gobernador, congressman), at 6 taon sa nasyunal (presidente, senador).
Kung sila naman ay mga regular na opisyal ng gobierno, nandiyan ang Department of Justice at Ombudsman na maaring sumipa sa kanila sa puwesto. Basta may mga solidong ebidensiya na magdidiin sa kanila sa kanilang kasalanan, tiyak tanggal sila kahit mag-rally pa para sa kanila ang kanilang sekta. Pramis!
Again, dapat bang tiisin ang mga identified nang korap? Lalo lamang lalaki ang kanilang ulo, lalo lamang silang aabuso kapag prinoteksyunan ang mga mali nilang gawain. ‘Di sila dapat tisiin
***
Ang araw na ito ay magiging bahagi ng kasaysayan sa bansa.
Oo! Sisimulan ngayon, Hulyo 6, ang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo ng bansa, Sara Duterte-Carpio.
Si Sara ay lilitisin sa Senate Impeachment Court sa mga reklamong:
* Pagbabanta sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos, sa kanyang maybahay na si Liza, at sa dating House Speaker Martin Romaldez (11 hearing days)
* Maling paggamit sa kanyang confidential funds (31 hearing days)
* Bribery (8 days)
* Unexplained wealth (12 days)
Pagkakataon na ito ni VP Sara na malinis ang kanyang pangalan, patunayan sa korte na inosente o gawa-gawa lamang ang mga akusasyon kaban sa kanya sa pamamagitan ng pagbaril sa mga ebidensyang iinihain laban sa kanya.
Makikita naman ngayon ng taongbayan kung tahi-tahi nga lang ang mga inaakusa laban kay VP Sara, sa pamamagitan ng paghimay sa mga ilalatag na ebidensiya at testigo ng prosecutors.
Sa impeachment na ito natin makikita kung malinis nga ang ating Bise Presidente o isang mandarambong.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may Bise Presidente ng Pilipinas na nasalang sa impeachment.
Subaybayan!