Advertisers

Advertisers

BATANG ECOZONE, NAKIISA SA PHILSEC SUMMIT 2026

0 4

Advertisers

Nakiisa ang mga opisyal ng Unified Ecozones of the Philippines, Inc. (Batang Ecozone) sa PhilSec Summit 2026 na ginanap noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 1 sa Marriott Hotel Grand Ballroom bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng organisasyon sa seguridad at katatagan ng mga economic zone sa bansa.
Kabilang sa dumalo sina Engr. Jerenato “Jerry” Alfante, President ng UNECO Batang Ecozone; Froilan Sanchez, Vice President; at Roy Gurango, Vice President for Visayas ng Unified Ecozones of the Philippines, Inc.
Pinagsama-sama ng PhilSec Summit ang mga opisyal ng pamahalaan, eksperto sa cybersecurity, security professionals, at mga kinatawan ng pribadong sektor upang talakayin ang mga napapanahong usapin hinggil sa cybersecurity, proteksiyon sa mga kritikal na imprastraktura, pamamahala sa mga umuusbong na banta sa seguridad, at pagpapalakas ng ugnayan ng publiko at pribadong sektor.
Ayon sa mga opisyal ng Batang Ecozone, mahalagang makibahagi ang mga economic zone sa mga ganitong pagtitipon upang manatiling napapanahon sa mga bagong teknolohiya, polisiya, at estratehiya sa seguridad na makatutulong sa pagprotekta sa mga negosyo at pamumuhunan sa bansa.
Naging pagkakataon din ang summit upang makapagpalitan ng kaalaman at pinakamahuhusay na praktis ang mga kinatawan ng Batang Ecozone sa mga eksperto at stakeholder mula sa iba’t-ibang industriya, na layuning higit pang mapalakas ang seguridad at pagiging globally competitive ng mga ecozone sa Pilipinas.
Patuloy namang isinusulong ng Unified Ecozones of the Philippines, Inc. (Batang Ecozone) ang pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor upang matiyak ang isang ligtas, matatag, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mamumuhunan at mga economic zone sa buong bansa.