Advertisers

Advertisers

MAIGTING NA BAKBAKAN, ASAHAN SA UNANG ARAW NG IMPEACHMENT TRIAL — HOUSE PROSECUTOR JOEL CHUA

0 3

Advertisers

INIHAYAG ni House Prosecutor Manila Congressman Joel Chua (third district) na maaring asahan ng publiko ang isang maigting na bakbakan sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Lunes, July 6.

Ayon kay Chua, bukod sa opening statements ay maari ding magkaroon ng matinding diskusyon ukol sa apat na mosyon na ipinrisinta ng House prosecution team.

Ito ay ang paggamit ng Filipino at English upang mas marami ang makaintindi; pagbibigay ng tatlong araw na notice kaugnay ng pag-prisinta ng mga testigo; pagpayag sa House at Private Prosecutors na suriin ang mga testigo at ang pagbubukas ng BIR box na naglalaman ng tax records ni VP Duterte at asawa niyang si Atty. Mans Carpio.

“Baka magkaroon ng maigiting na bakbakan in terms of our pending motions,” ani Chua.

Napag-alamang nagsumite ang prosecution ng listahan ng mga testigo para sa unang linggo ng trial, kaugnay ng reklamong VP grave threats at assassination plot laban kay President Ferdinand Marcos, Jr.

Ang mga testigo na nakatakdang unang isalang ay sina Atty. Jeremy Lotoc, regional director ng NBI in the Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao; NBI senior agent for cybercrime investigaion and assessement center John Mark Calilung at Capt. Belinda Bello, executive directror of the legislative bureau of the House of Representatives.

Ani Chua, inaasahang magkaroon ng ‘authentication’ ng mga video at aniya, “ang pinamatinding ebidensiya naman po namin sa grave threats ay ‘yung mismong video.”