Advertisers

Advertisers

Leksyon sa mga ‘nagreregalo’ sa mga politiko-kandidato

0 7

Advertisers

ANG pagkaso ng PLUNDER kay Senador Rodante Marcoleta at mga nagbigay sa kanya ng pondo para sa eleksyon noong 2022 ay isang matinding leksyon para sa mga negosyanteng “nagreregalo” sa panahon ng halalan.
Oo! Si Marcoleta ay nakakulong ngayon sa kasong pandarambong (plunder) matapos mapatunayan ng Ombudsman na hindi niya idineklara sa kanyang SALN at SOCE ang P75 milyong donasyon para sa kanyang kampanya noong 2022 election, na isang paglabag sa Election at Plunder laws.
Idinahilan pa ni Marcoleta na kaya hindi niya idineklara ang naturang donasyon nina dating Congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu  dahil ibinigay ito sa kanya na hindi pa siya nakakapag-file ng kanyang kandidatura.
Ang rason na ito ni Marcoleta, na isang abogado, ay lalo lamang nagdiin sa kanya sa kaso. Dahil nung panahon na tanggapin niya ang “regalo” na P75 million ay nasa puwesto siya, congressman pa. Eh bawal sa batas ang tumanggap ng ganun kalaking regalo habang nasa gobierno dahil nga magiging ugat ito ng korapsyon. Hindi ka naman kasi bibigyan ng milyones ng isang indibidwal kung walang pabor na kapalit. Mismo!
Ang higit na kawawa rito ay ang mga nagbigay ng regalo, nadamay sa “katangahan” at pagiging mayabang at tsismoso ng kanilang binigyan. Hehehe…
Ang nangyaring ito kina Marcoleta, Defensor, Viray at Espiritu ay malaking aral sa mga negosyante na all-out magbigay ng campaign funds sa tingin nila’y winnable candidates.
Hindi naman talaga magbibigay ng milyones ang isang negosyante sa kandidato kung wala itong kailangang pabor dito. Mismo!
Makabubuti siguro na bago magbigay ng milyones sa isang kandidato, tiyakin na honest ito, idideklara ang donasyon sa kanilang SALN at SOCE. O kaya’y tiyakin na hindi madaldal  ang binibigyan para hindi mapahamak kapag nagkasilipan.
Ang pagiging madaldal at kayabangan ni Marcoleta ang nagpasok sa kanya sa kulungan, nadamay pa ang mga nagregalo sa kanya. Saklap!
***
Sinimulan na nitong Lunes ng hapon ang Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Obkors ‘di na kabilang sa Senator-Judge sina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nakakulong sa plunder case, habang nagtatago naman ang wanted sa ICC na si “Bato” dela Rosa. That means 21 out of 24 Senator-Judge nalang ang lilitis kay Sara.
Malamang pagdedebatehan sa Korte Suprema ang 3/4 ng miembro ng Senado na boboto ng”Yes” para ma-impeach si Sara. Dahil wala nang 24 ang aktibong senador ngayon,  dapat bumaba narin sa 16 ang kailangang boto para masibak sa puwesto ang pangalawang pangulo.
Ang 3/4 ng 21 ay 12. Malamang ito ang reresolbahin ng Korte Suprema. Subaybayan!