Advertisers

Advertisers

BINONDO SALESMEN CLUB, NAMAHAGI NG LIBRENG KAPOTE SA MGA KABATAAN SA MAYNILA

0 6

Advertisers

Namahagi ng mga libreng kapote ang Binondo Salesmen Club, Inc. (BSCI) para sa mga kabataang mag-aaral ng Binondo sa ginanap na community outreach activity nitong weekend.



Pinangunahan ni Manila Councilor Jefferson Lau (third district) ang pamamahagi kung saan mga kabataan mula sa Barangay 292 ang nakatanggap ng libreng kapote sa pagsisikap ng grupo na makatulong para sa tag-ulan.

“Ngayong panahon ng tag-ulan, napakalaking tulong ng kanilang ipinamahaging mga raincoat para sa ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, maiiwasan nilang mabasa ng ulan at masisigurong protektado ang kanilang mga gamit at libro sa tuwing papasok sila sa eskwelahan,” ani Lau.



Pinasalamatan ni Lau si Chairman Kerwin Gaw at ang kanyang barangay council para sa tulong at pagtanggap sa kanilang grupo na naging dahilan upang maging matagumpay ang naabing aktibidad ng BSCI.

“Ang ganitong mga inisyatibo ang nagpapatunay na kapag nagkakaisa ang pribadong sektor, lokal na pamahalaan, at pamunuan ng barangay, mas marami tayong nabibigyan ng ngiti at pag-asa—lalo na ang ating kinabukasan, ang mga kabataan. Patuloy tayong magtutulungan para sa mas masigla at maunlad na Binondo,” ani Lau. (JERRY S. TAN)