Advertisers
PARA sa Filipino tennis star na si Alex Eala, ang bawat laban ay higit pa sa pagpanalo ng puntos—ito rin ay pagkakataon na ipakita ang pride ng buong bansa.
Kahit maliit lang ang komunidad ng mga Pilipino sa England, palaging nakakasapul si Eala ng mainit na suporta mula sa kanyang mga kababayan, na parang ginagawa ni-yang parang home game ang kanyang mga laban sa Wimbledon.
“We’re very proud of where we come from,” Wika ni Eala sa kanyang post-match press conference.
“We have a very strong sense of community; you can see it when someone does well. We’re a community that uplifts each other.”
Inukit ng 21 anyos na Filipina ang kanyang pangalan sa kasaysayan matapos talunin ang defending champion na si Iga Swiatek, 7-6, 6-2, sa third round ng 2026 Wimbledon Championships Sabado ng gabi (oras sa Maynila) sa All England Lawn Tennis Club.
Sinabi ni Eala na ang napakalaking suporta ay sumasalamin sa pagiging malapit ng magkaka-Filipino kahit saan man sila sa mundo.
Sariwa pa sa kanyang pinakamalaking tagumpay sa kanyang karera, ngayon ay nakatuon na ang World No. 28 sa isa pang milestone habang haharapin niya ang World No. 17 na si Jasmine Paolini mula Italya sa Round of 16.