Advertisers

Advertisers

Vice Ganda at Vic Sotto nagtagpo na, ‘noontime war’ tapos na!

0 3

Advertisers

By Beth Gelena

Naganap na ang inaabangang pagtatagpo nina Vice Ganda at Vic Sotto noong Hulyo 5 sa Gateway Mall, Cubao.

Nagkita sila bandang alas-4 ng Hapon gaya ng napag-usapan nila sa kani-kanilang noontime shows. Nagyakapan at nagbatian ang dalawa sa harap ng maraming fans at media, na ikinatuwa ng mga tagasuporta ng kani-kanilang noontime show.

Doon nila opisyal na inanunsiyo ang kanilang kauna-unahang pelikula, The Greatest Showdown, na ididirehe ni Jun Robles Lana para sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang kanilang masayang palitan ng mensahe at pagkikita ay itinuring ng marami bilang simbolikong pagwawakas ng matagal nang “noontime war” sa pagitan ng kanilang mga programa, bagama’t ito ay isang biro at promotional theme para sa kanilang proyekto.
Marami ang nagsabing isa ito sa pinakamalaking showbiz collaborations ngayong 2026 dahil unang beses magsasama sa iisang pelikula ang dalawang pinakamalalaking pangalan sa noontime television.

Sabi nga ni Meme Vice: “Buo na ang pagiging artista ko”

Ani ng dalawang higante sa komedya, pawang patawa raw ang kanilang gagawin, pero may kapupulutan naman daw na aral.

Sa comment section ng video, halos iisa ang request ng netizena, sana raw ay makasama sa kanilang movie sina Bimby Aquino at Ryzza Mae Dizon.