Advertisers
NAMAHAGI si Bulacan Governor Daniel R. Fernando ng kambing sa mga magsasakang Bulakenyo noong Biyernes July 3, 2026.
Nasa 200 na magsasaka ang naging benipisyaryo ng naturang programa na bukod sa kambing may baka, kalabaw, baboy at manok din na ipinagkakaloob sa kanila nh pamahalaang panlalawigan.
Bilang bahagi ng programang sinabi ni Gov. Fernando na itatayo na ng Provincial Government ang breeding facility kung saan paparamihin ang mga nasabing hayop upang maipamigay sa mga nais mag-alaga at makadagdag sa kanilang kabuhayan.
Layon ng programa na mahikayat ang mga bulakenyo na mag-alaga ng hayop upang makadagdag sa kanilang pagkakakitaan.
Bukod pa sa breeding facility ay may itatayo din sa tabi nito ang productivity center kung saan naman mismo na ang provincial agriculture na mismo ang gagawa ng mga organic fertilizer.
Sinabi ng gobernador na isa sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan ay suportado ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Gov. Fernando na may mga programa narin para sa mga mangingisda at Sports Academy para sa kabataang Bulakenyo upang maging aktibo ang mga ito sa larangan ng palakasan.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com