Advertisers
HINDI maganda ang ginawa ng Ilan sa ating mga kababayan na nasa Canada nang pagtulung-tulungan nilang harangin kuyugin at kutyain si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Naka-video ang kanilang pambabastos na ginawa, minura mura pa Ante Claire, at maging si Pangulong Bong Bong Marcos. Parang di mga Filipino. Ipinangalandakan pa ang kanilang ginawa sa social media, at nagpapakilalang mga makabayan.
Sino ba ang pinahiya ninyo? Si Usec Claire? Si PBBM? YUN ANG AKALA NIYO.
Ang pinahiya ninyo ay ang lahat ng Filipino saan mang panig ng daigdig. Ang iba naman, o karamihan ng mga Filipino sa Canada ay di gaya ninyo. Hinahangan at kinikilala sa kanilang kasipagan, sa kanilang pakikipag-kapwa tao at sa kanilang maayos na pananalita at pamumuhay.
Maaring, may mga hinakit kayo sa kasalukuyang administrasyon, pero ang ipinakita niyong pag-uugali ay di sumasalamin sa tunay na Filipino.
Muling tiniyak ng Malacañang nitong Biyernes (oras sa Canada) ang matatag na kampanya ng administrasyong Marcos laban sa korapsyon.
Binigyang-diin ng Palasyo na dapat managot ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga maanomalyang proyekto, kasabay ng pagsunod sa tamang proseso ng batas.
Sa isang press briefing sa Vancouver, sinabi ni na nananatiling determinado si PBBM na papanagutin ang mga sangkot sa katiwalian sa pamahalaan. Hindi niyo siguro alam na mismong lider ng Canada ang nag-imbita kay PBBM sa okasyon na iyon, at isang state and official visit ang pagpunta ng Pangulo doon.
Sa tindi ng ipinakita niyong pambabatos, sana di nagbago ang patingin ng mga Canadian leaders sa atin.
Kung sa bagay, at maaring di niyo rin alam, ang pagdalaw ni PBBM doon ay nakakuha lang naman ng maayos na kasunduan para sa ikauunlad ng Pilipinas na bayan niyo ring sinilangan.
Mga bastos! Di kayo bagay tawaging mga Filipino.