Advertisers
By Dominic Rea
Naku! Wasak na wasak na naman si Willie Revillame sa balitang ito. Diumano, pordoy na, meaning, waley na, lotlot na sa buhay ang sikat na aktor, singer at tv host kaya raw kung anu-anong ari-arian na ang kanyang pinagbebenta ngayon!
Ayon pa sa tsika, naku, pati raw mamahaling sasakyan o materyal na meron siya ay pinagbebenta na nito dahil ang tsika ay wala na raw pera si Willie! Sabi naman ng isang chararat, ani naman daw pakialam niyo kung magbent siya ng kayamanan niya na pinaghirapan naman daw nitong magkaroon nito! Tama nga naman!
Since kailangan na niya ngayin ng pera dahil wala na nga siyang pera, aba’y kailangan niya ng gawing liquid ang solid to survive! Totoo naman yun! Pero ano nga bang totoong nangyayari sa kanya ngayon? Totoo ba talagang lugmok na siya sa hirap? Palagay ko, hindi kailanman maghihirap ang isang Willie! Sa dami ng yaman niya diba? Sa dami ng investments niya, naku, malabong maghirap yan! Baka naman dini-dispose niya lang ang mga hindi niya naman kailangan na para mapakinabangan! Diva? Ano sa palagay niyo?
KIM CHIU DEADMA RAW SA HI NI RYZZA?
Naku! Isa pa itong tsika kay Kim Chiu about okray eme kay Ryzza! Mukhang dinedma raw ni Kim Chiu ang pagbati ng ‘ Hi po ‘ ni Ryzza sa kanya sa Eat Bulaga! Sabi pa ni bubwit, mukhang mataas daw talaga ang ere ni Kim at walang narinig o kung may narinig man ay deadma ang drama sa buhay!
Kung ako kay Ryzza, diko yan binati! You’re just wastung your time Ryzza sa totoo lang! Kunsabagay, in other way ay ipinakita lang ni Ryzza sa buong dabarkads at madlang pipol that she’s educated at marespetong tao! Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang pamilya at may breeding sa kanyang ginawa and thats the proper way! Knowing Kim Chiu?
Naku! Eh sabi pa ni bubwit, eh si Kim Chiu naman ay walang ginawa kundi ang magpa-cute sa lahat lalo na kapag naghohost sa Showtime na gusto na nga raw patayan ng TV ni bubwit kung hindi lang daw kay Vice na aliw na aliw siyang pinapanood noh! Hay naku! Mga celebs na kulang sa pansin kaya nagpapapansin talaga! Masabi lang! Kaloka!