Advertisers

Advertisers

Julie Anne San Jose aprub makatrabaho ni Rayver Cruz ang kanyang mga ex

0 5

Advertisers

By Anne Venancio

Walang nakikitang problema si Julie Anne San Jose sakaling makatrabaho ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz ang mga dating karelasyon nito.

Sa kanilang guest appearance sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng Kapuso singer-actress na buo ang kanyang tiwala kay Rayver kaya wala siyang magiging pagtutol kung mangyari ito.

“Oo naman, wala pong kaso,” sagot ni Julie Anne nang tanungin kung papayagan ba niyang makatrabaho ni Rayver ang kanyang mga ex.

Maging si Julie Anne ay bukas na makatrabahong muli ang dating ka-love team na si Elmo Magalona.

“Elmo and I are really, really good friends. Alam naman lahat ng tao ‘yan. Elmo is a very nice guy. Sobrang talented saka if ever na magkaroon ng collaboration, why not, ‘di ba?” aniya.

Samantala, nilinaw ni Rayver na isasaalang-alang muna niya ang magiging pananaw ni Julie Anne bago tumanggap ng mga proyekto.

“Bago trabaho, iisipin ko muna kung nasa lagay ako ng girlfriend ko,” paliwanag nito.

Nilinaw naman ni Julie Anne na wala silang dahilan para pagdudahan ang isa’t isa dahil matatag ang pundasyon ng kanilang relasyon. Naging magkarelasyon sina Julie Anne at Rayver noong 2022 matapos magsama sa ilang proyekto sa GMA Network. v

Samantala, Maglalabas ng bagong love song ang Asia’s Limitless Star na inspired sa kanyang dyowang si Rayver.