Advertisers
LAHAT nang nangyayaring kabulastugang gawa ng nasa poder mula sa pag-imbento ng asunto, paggamit ng tao, suhol sa mga konsernado, komplutan ng mga Kongresista hanggang i-impeach si VP Sara Duterte na ginastahan ng sobra-sobrang salapi mula sa kaban ng bayan para matanggal ang pinaka-balakid upang manatili sa kapangyarihan ang mga kolokoy at di makatakbo si VP Inday bilang pangulo ay isang tunay na exercise in futility lamang.
Ngayon ang bola ay nasa kamay na ng Senado na silang magko-convict o aabswelto.
Sa nagiging takbo ng trial, lumalayo na ng milya ang depensa kontra taga-usig na walang matibay na ebidensiya at malabong maabot ang numero upang mapatalsik ang pangalawang pangulo.
Ayon nga sa ating tsokaran de kampanilyang lawyer na si Atty. Ariel Inton… mahirap ang misyong kombiksyon kay VP ngayon dahil sa numero.
16 votes to convict!
Isa sa krusyal na ruling ni Sen. Chiz Escudero (hinalal bilang presiding officer ng impeachment court) ay labing-anim na boto ang kailangan para mahatulan.
Maliban na lamang kung iba ang magiging hatol ng Korte Suprema kung idudulog ang issue na ito sa isang petition for certiorari. Wala ni isa sa mga senator judges ang kumontra. Walang nag-motion na pagbotohan ng impeachment court ang issue. At malamang walang balak ang prosecution na iakyat ng Korte Suprema ang ruling na ito.
Malinaw na two thirds vote of all members of the Senate ay two thirds vote of the 24 members of the Senate ang kailangan to convict VP Sara.
E bakit ganoon, 21 lamang ang present na senator judges nung nagsimula ‘yun impeachment trial?
Dahil ang tatlo (Marcoleta, Estrada, Dela Rosa) ay nananatiling senador pa rin. Nakapag-oath na sila as senator-judges.
Kahit absent sila sa simula ng trial, kasama pa rin sila sa bilang?
Maliwanag ang saligang batas na NO PERSON SHALL BE CONVICTED WITHOUT THE CONCURRENCE OF TWO THIRDS OF ALL THE MEMBERS OF THE SENATE.
Masdan na ang MANDATORY VOTE AY SA CONVICTION, hindi during the trial. Dahil ang paghatol ng impeachment court ay pagkatapos ng trial. Doon kailangan ang two thirds vote. Kaya nga noon pinagbotohan kung puede si Senator Chiz Escudero ang mag preside ay majority lamang ng present senators ang kailangan.
Sa tagal ng impeachment trial ay maraming puwedeng manyari para maging present lahat ng 24 senators. Maaring maka-pyansa ang mga nakakulong, lumitaw ang wala. Madagdagan ang nakakulong, bumiyahe abroad, mag-leave, etc. PERO WALANG PAGBABAGO SA ARITHMETIC NG SALIGANG BATAS. Kahit hindi naka-attend ng trial? Oo dahil may transcript, videos, documents at iba pa na maaring pagbasehan ng kanilang pasya.
Para ‘yan sa hearing ng isang kaso ng isang judge pero hindi niya natapos ang pahlilitis dahil nag resign, kinamatayan, natanggal o ano man, ang magbibigay ng hatol ay ang bagong judge kahit hindi siya present sa mga trial dates.
So, 16 na ba? Nagpasya na ang presiding officer, walang tumutol. At dahil sa THE SENATE SHALL HAVE THE SOLE POWER TO TRY AND DECIDE ALL CASES OF IMPEACHMENT, maari lamang pumasok ang Korte Suprema kung may grave abuse of discretion ang presiding officer ng impeachment court.
Kaya kayong mga nagsasayang ng panahon at resources, tigilan na ang kahibangan.
Pokus na para makabalikwas ang kabuhayan ng pinagnakakawang mamamayan ng mga demonyo sa poder ng kapangyarihan. Ikulong lang ang tunay na kawatan. Ibangon ang kabuhayan… ABANGAN!
Lowcut: Shoutout sa ating kabalen Tarlacqueno na si Dennis Panes Magcalas diyan sa New Zealand. Laking tuwa niya nang maglaro ang GILAS PILIPINAS doon vs New Zealand Basketball League at national team na Tallblacks. MABUHAY ang mga bayaning kababayan natin sa NZ.