Advertisers
INILABAS na sa Senado ang Bureau of Internal Revenue (BIR) box dakong alas-10 ng umaga nitong Martes, Hulyo 7.
Nakapaloob sa isang puting storage box ang green box na naglalaman ng tax records nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang mister na si Atty. Manases Carpio. Isinakay ito sa isang van kasama ang mga escort nito.
Nakatakda itong isauli sa BIR kasunod ng kautusan ni impeachment court presiding officer Chiz Escudero sa unang araw ng impeachment trial noong Lunes.
Sinabi ni Escudero, dapat ibalik sa BIR ang naturang kahon dahil walang legal na kautusan ang impeachment court upang isailalim ito sa kustodiya ng Senado.
Hindi rin aniya ito pormal na inialok o minarkahan bilang ebidensya, kaya isasauli ito sa BIR nang “closed, sealed, and as it is received”.