Advertisers

Advertisers

PBBM: Magpapatuloy ang pagtaas ng sahod sa buong bansa

0 14

Advertisers

“MAGTUTULOY-tuloy na ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas.”

Sinipi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Officer Claire Castro si Pangulong Ferdinand R. Marcos, sa isang Palace press briefing nitong Miyerkules, at idinagdag na tiniyak ng Pangulo sa publiko na magpapatuloy ang pagtaas ng sahod para sa mga manggagawang Pilipino kasunod ng pag-apruba ng PhP85 na daily wage hike sa National Capital Region (NCR).

“Sa utos ni Pangulong Marcos Jr., patuloy ang pag-aaral na ginagawa ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards upang magpatupad ng salary increase sa iba pang rehiyon,” sabi ni Castro.



Aniya, umaasa ang Pangulo na ang karagdagang pagsasaayos ng sahod sa mga rehiyon ay ipapatupad sa mga darating na buwan o bago matapos ang 2026.

Sinabi ni Castro na naitala ng gobyerno ang pinakamataas na bilang ng dagdag sahod sa nakalipas na apat na taon, na sumasalamin sa pangako nitong mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.



Sinabi niya na binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang pagprotekta sa kapakanan ng mga manggagawa ay nananatiling isa sa mga prayoridad ng administrasyon habang patuloy nitong itinataguyod ang mas mataas na sahod at pagpapabuti ng kondisyon ng pamumuhay para sa mga empleyadong Pilipino.

Mula noong 2023, umabot na sa pitong porsiyento ang average increase sa bawat wage order, sa pinakahuling P85 na pagtaas sa NCR, umabot na sa P210 ang kabuuang aprubadong pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">